Chapter 42: Forgotten Memories

390 53 2
                                    

Mapaglaro ang tadhana. Mapaglaro ang pagkakataon. Mapaglaro ang pag-ibig. And when fate started to play with you? You will be left with no choice but to hold onto things that dear to your heart just to endure for love. Kasi sa pagmamahal, hindi lang puro sarap. Nand'yan din ang mga problema na susubukan ka kung gaano ka ba katatag.

At minsan, kahit na gaano ka pa magpakatatag ay gigibain at gigibain ng tadhana ang lahat ng meron ka. Because when you've already made up your mind and have made your resolves, that's when everything would go against you. That's when time, love and fate would go against your way. Masakit. Pero wala kang ibang magagawa kung hindi ang katotohanang kung kailan ka naging handa na ulit ay doon naman mawawala sa'yo ang taong mahal mo.

Ang problema kasi sa atin ay habang nand'yan pa ang taong mahal natin at patuloy siyang naghahabol ay tayo naman ang patuloy na tumatakbo papalayo sa kanya. Ang hindi natin alam ay tuso ang tadhana. Dahil kung kailan ka huminto sa pagtakbo, do'n din siya huminto sa paghahabol at tumalikod sa'yo kahit hindi man niya sinasadya.

Limang araw na ang nakalipas mula nang maaksidente si Hanns. At limang araw na rin akong walang humpay sa pag-iyak. Hindi ko matanggap. Hindi ko matanggap ang nangyari sa kanya. Hindi ko matanggap na hindi niya ako nakikilala. Hindi ko matanggap na nawala ang lahat ng ala-ala niya. Lahat-lahat.

Yes, may amnesia siya. Ang sabi ng doktor ay 'yun ang epekto nang malakas na pagkakauntog ng ulo niya sa manibela ng kanyang kotse nang maaksidente siya. Wala siyang maalala kahit na ano. Hindi niya maalala ang mga kaibigan namin, sina Mama Helen at Papa Dante, ang mga magulang niya, maging ako at pati na ang sarili niya. Masakit pero kailangan naming tanggaping lahat iyon.

'Yung driver naman ng sasakyang nakabanggaan niya ay okay na rin. May mga pilay siya sa buong katawan. Napag-usapan namang mabuti ang nangyaring aksidente. Pareho silang may kasalanan ni Hanns kaya na-areglo na kaagad ito. Kung si Hanns kasi ay out of lane, 'yung nakabanggaan naman niya ay lasing kaya mabilis ang takbo nito. There were no damages paid because both parties are at fault.

Noong araw na magising si Hanns ay kaagad din naman siyang na-discharged sa ospital pagkatapos ng ilan pang mga pagsusuring ginawa sa kanya. Hindi ko na nagawang sumama sa paghahatid sa kanya sa bahay dahil hindi ko pa kayang matagalan ng mga panahong iyon ang makita ang kalagayan niya.

My heart broke everytime he would ask about himself. My tears fell everytime he would say that he remembered no one. And my world crumbled everytime he would ask who I was for him. It sucks. It was damn painful. And it tears me apart seeing him lost.

Tahimik lang akong umiiyak sa loob ng kwarto ko habang pinagmamasdan ang picture naming dalawa noong mga bata pa kami. Katulad ito ng picture na nakalagay sa bedside table sa loob ng kwarto ng condo niya. Parehas kasi kaming may kopya ng larawan na 'yun.

"Maalala mo pa kaya ako?" I murmured in between my sobs as I touched his face on the picture. "Maaalala mo pa kaya ang lahat ng mga nangyari sa ating dalawa?" I asked as I hiccuped. Patuloy na gumuguhit ang matinding sakit sa puso ko.

Hindi ko alam kung paano na ako pagkatapos ng nangyari. Hindi ko alam kung paano na ako kung wala na 'yung dating Hanns sa tabi ko. I've learned to live my life beside him and it was so hard how to continue it now that he has changed; now that he has forgotten me.

Iniisip ko pa lang kasing hindi niya talaga ako maalala ay parang pinagkakaitan na ako ng hangin. The pain was suffocating. Pagkatapos ng lahat ng mga pinagdaanan namin, makakalimutan lang pala niya ang lahat ng mga iyon; makakalimutan din pala niya ako.

Siguro nga hindi ako naging mabuting girlfriend sa kanya. Siguro, kasalanan ko naman talaga kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Siguro, kung hindi ko siya pinagtulakan papalayo sa akin ay hindi siya maa-aksidente at hindi mawawala ang lahat ng ala-ala niya. Siguro, ito na ang parusa ko sa pagtataboy ko sa kanya. Siguro nga, ako ang lahat ng may kasalanan. Siguro nga. Pero hindi ko pa rin maiwasang hindi masaktan nang sobra-sobra. Kasi, nagmahal din ako nang sobra-sobra.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon