Chapter 29: Blissful Moments

383 55 0
                                    

Sobra 'yung mga mood swings ko. Kahit naman ako ay feel na feel ko 'yun pero hindi ko pa rin maiwasan. Hindi ko maiwasang maging moody at maging bugnutin lalo na pagdating kay Hanns. Nand'yan 'yung bigla ko na lang siyang gustong yakapin nang sobrang higpit o kaya naman ay halik-halikan ang buong mukha niya. At nand'yan din naman 'yung bigla na lang akong naaasar sa kanya pero hindi ko naman alam kung bakit. Naisip ko tuloy na kawawa naman ang boyfriend ko sa pabago-bago ng timpla ko. Pero sa tingin ko, hindi na lang pagiging moody ang tawag dito, feeling ko kasi bipolar na ako.

"Hanns!" I called and my boyfriend ran out of the kitchen. He was instantly in front of me and I smiled sweetly at him.

"Ano 'yun, Yam?" He returned my smile as he wiped his hands with the apron he was wearing.

I patted the space beside me. "Dito ka," I said. "Upo ka dito, tabi ka sa akin."

Napansin ko ang pagkalito sa ekspresyin ng mukha niya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero hindi niya lang masabi ng diretsahan. Napakamot siya sa kanyang ulo.

"Yam..."

Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi niya tinuloy ang sasabihin niya. "Upo ka dito sa tabi ko," pag-uulit ko.

"Pero kasi... ahm... nagluluto pa ako. Patapos na ako sa kitchen at kaagad akong babalik dito kapag tapos na akong magluto," mabilis niyang sinabi. "Hindi na ako aalis sa tabi mo pagkatapos kong magluto."

"Ih, ayaw! Upo ka na dito sa tabi ko! Now na!" I whined like a child and he chuckled.

Sobrang naging clingy na talaga ako kay Hanns. At pansin niya ang bagay na 'yun kaya alam kong nahihirapan siyang tanggihan ako kasi wala naman talaga siyang laban sa akin. Kahit na nakatira na kami sa condo niya ay ayaw ko pa rin ang nahihiwalay sa kanya.

"Yam, sandali na nga lang ako-----"

"Ayaw!" patuloy na ungot ko. "Upo ka dito!" I demanded. "Umupo ka na dito, bilis!" I frowned at him.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Okay." He sighed. "Wala naman po akong laban sa'yo." And then he smiled.

Napangisi ako. See? Wala siyang laban sa akin!

He sat beside me and I immediately turned sidewards to wrap my arms around his waist. His arms went around me also before he kissed the top of my head. He pulled me closer to him and I leaned my head against his chest. This really is my heaven, I thought contentedly.

"Mga walang pakundangan! Magsilayas nga kayo sa harapan ko! Maglalandian na lang kayo, sa harapan ko pa talaga mismo!" Bettina suddenly squabbled at napabitaw ako ng yakap kay Hanns.

"Bet, pakisabunot nga 'yang si Denisse para sa akin! One time lang! 'Yung masakit, ha! Mas malapit ka rin naman sa akin! Kung makayakap sa boyfriend niya parang pinapamukha talaga sa atin na single tayong dalawa!" Althea exclaimed.

Nasa sala kasi kaming tatlo at nanonood ng palabas sa telebisyon. Naghahanda para sa hapunan si Hanns nang tawagin ko siya samantalang sina Art, Nathan at Dale naman ay umalis at may bibilhin daw sila. Gusto pa nga sana nilang isama si Hanns kaso hindi na siya sumama kasi kailangan na talaga niyang magluto. Dito sa condo ulit silang lahat matutulog kasi na-miss daw nila dito. Bale, ito na 'yung third night nila sa condo.

Parehong nakataas ang kilay nina Bettina at Althea sa aming dalawa ni Hanns nang tumingin ako sa kanila. At may kung anong ideya ang pumasok sa utak ko habang tinitingnan sila kaya humarap ako sa boyfriend ko. I inwardly sniggered.

"Hanns, kiss." I pouted and although he looked confused, he leaned forward to kiss me quickly on the lips. He was about to pull his face away from mine when I cupped his face and gave him another swift yet lingering kiss.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon