Chapter 21: Jarring Announcement

367 52 1
                                    

Chapters 21 to 30 - Hannah

Ilang araw pa lang kami ni Hanns pero ang dami ko ng mga insecurities pagdating sa relasyon naming dalawa kahit pa lagi naman akong nire-reassure ng boyfriend ko na hindi mangyayari ang mga iniisip ko at wala naman siyang ibinibigay na dahilan para matakot akong maghihiwalay kami.

Takot ako. Takot akong mawala siya sa akin. Takot ako na baka paghiwalayin kaming dalawa ng mga taong nasa paligid namin kapag nalaman nilang kami. Takot akong hindi kami ang magkakatuluyan. At ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. Feeling ko, du'n lahat nanggagaling ang mga insecurities ko -- sa takot kong dumating ang araw na kahit pa anong kapit ang gawin namin sa relasyon namin ay kailanganin naming bumitaw, hindi dahil sa hindi na namin kayang ipaglaban ang isa't isa kundi dahil 'yun ang tamang gawin.

Pero sa kabila ng mga takot ko, pinili ko pa rin siya. Siya na nagbibigay ng hindi maipaliwanag na tuwa at saya sa akin. Siya na alam kong hindi ako iiwanan. Siya na alam ko at ramdam kong mahal na mahal ako.

Because what I have learned from my boyfriend is that you shouldn't let your fear overcome you, especially when it comes to feelings. The truth is, the greatest hindrance of love is not the distance neither the temptations nor your differences but the fear of accepting that you love someone enough that you are afraid to take a chance with him. And what my boyfriend proved to me is that you shouldn't be terrified about something as beautiful as love.

Nasa loob na kami ng kwarto sa rest house nina Art. Hanns was lying on the bed while I was lying on his top. Hinila niya kasi ako nang pahiga na rin sana ako sa kama papunta sa taas niya. Nakapagpalit na rin kami ng damit-pantulog. His arms were wrapped securely around me while my face was buried on the crook of his neck. Ang bango kasi niya kaya feel na feel kong inaamoy siya.

"Baka naman maubos na 'yung amoy ko niyan, Yam," he sounded teasing and I tilted my head to scowl at him. "O, h'wag nang sumimangot. Maganda ka pa rin naman kahit nakasimangot ka pero mas maganda ka kapag nakangiti," he said and I rolled my eyes at him. He laughed softly before I felt him expel a heavy breath.

"Is there a problem, Hanns? Kanina ko pa napapansin na parang may malalim kang iniisip," I queried and he smiled at me as he ran his fingers through my hair.

"Pinapauwi na tayo nina Papa bukas," he uttered smoothly and I looked inquiringly at him. I sat up at pumwesto ako sa may tiyan niya. "'Yun ang sabi niya nang tumawag siya kanina."

"What? Anong pinapauwi? Hindi ba alam naman nilang hanggang Friday tayo dito? Isa pa nasa Baguio sila, hindi ba at hanggang Sabado 'yung seminar nila doon?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Pauwi na raw sila ngayong gabi kasama ang mga magulang mo," he answered and I was getting more confused. Bakit naman biglaan ang pag-uwi nila? At bakit pinapauwi na rin nila kami? I asked myself silently.

"Pero bakit?" I asked for lack of anything to say and he sighed. I instantly knew that there's something not good that would happen and it scared the hell out of me for unknown reasons.

"Hindi ko rin alam kung bakit. Ang sabi sa akin ni Papa, kailangan nasa bahay na tayo bukas bago pa gumabi dahil importante raw 'yung sasabihin niya," Hanns said. Kahit kalmado ang boses niya ay ramdam ko ang pagiging tensyonado niya.

"Bakit bigla akong kinabahan, Hanns?" I mumbled. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa kung ano man ang dahilan ni Tito Danilo sa pagpapauwi sa amin nang maaga.

"Ako rin, bigla akong kinabahan nang sabihin sa akin 'yun ni Papa," he said quietly.

"Wala naman sigurong masamang nangyari sa mga magulang natin during the seminar, ano kaya bigla silang napauwi nang maaga?"

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon