Chapter 3: Special Affinities

945 55 8
                                    

I stared at him incredulously as my mind tried to process what he just said. Ngiting-ngiti siya sa akin at hindi ko alam kung bakit parang biglang tumalon ang puso ko. Maybe, because it caught me off-guard. Maybe, because it never crossed to my mind that I would hear those words from him. Or maybe, because of something else. I didn't know and I was really perplexed.

Ano na namang trip nito sa buhay? I silently asked myself. Alam kong hindi siya seryoso doon sa sinabi niya. I really wanted to believe that he was just joking but there's something in his voice that made me feel he was serious. It was as if he meant every word he spoke and it freakin' caught me by surprise. Alam naman nitong hindi kami pwedeng dalawa. I shook my head as I set my thoughts aside. Binibiro ka lang niya, Denisse, I told myself.

"Testing lang," he said with a boyish grin but I continued gawking at him. Parang natameme lang ako at masyadong naging big deal sa akin 'yung sinabi niya. Which, I shouldn't have given an eff. "Bakit ganyan ka makatingin, Hannah?" he queried but I just blinked. I didn't know what came over me but I couldn't even utter a word. Neither could I take my eyes off him. "Huwag mong sabihing sineseryoso mo 'yung sinabi ko? Uy, si Hannah, gusto niyang ligawan ko siya," he teased and that's when reality snapped out of me. "Sabi na nga ba at nadadaan ka rin naman minsan sa charms ko, eh. Ang irresistable ko talaga," he laughed softly and I rolled my eyes at him.

"You wish," I replied scowling a little.

"Biro lang, ito naman ang init agad ng ulo," he uttered.

"Hanns, alam ko namang maraming lalaki ang nangangarap para sa ganda ko. 'Yung gagong ex ko lang ang parang hindi nakakita nu'n. And had the circumstances between us were different, alam ko ring isa ka rin sa mga maghahabol sa akin. Hindi na ako magtataka kung bakit kahit alam mong hindi pwede ay pipilitin mo pa ring ligawan ako. Sa ganda ko ba namang 'to, kahit mga beki ay nagiging straight," I answered coolly as I flipped my hair to my right and he laughed.

"'Yung self-confidence natin sa sarili parang hindi lang bumalik, ah. Bakit parang mas lalong nadagdagan pa?" tukso niya sa akin.

"Bakit? Maganda naman talaga ako, ah."

"Oo naman. Magandang-maganda," he readily replied. "Pero, hindi kita type, eh."

"Type na type lang?" I asked and he shook his head.

"Hindi rin."

"Eh, ano pala?"

"Love na love kaya kita," he answered and I had to roll my eyes again at him. H'wag kang kiligin, Denisse! Jusko, maghunos-dili ka nga!

"'Yan tayo, eh," I mumbled and he grinned at me.

"Ako ba hindi mo love?"

"Hindi," I retorted.

"Ganu'n?" his face fell and I had to stop myself from laughing as I looked his gloomy face. Parang bigla ko na lang siyang gustong kurutin sa pisngi kasi ang cute, cute ng reaction niya. "Iiyak na ako, hindi mo pala ako love," parang batang ungot niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagtawa.

"Hanggang ngayon ba naman ay iyakin ka pa rin, Hanns?" natatawang tanong ko sa kanya. "Hindi kita love kasi kagaya mo ay love na love kaya kita," I told him and his face instantly lit up. "Ikaw na kaya ang itinuturing kong best friend ko kaya natural love na love kita," dagdag ko at sumimangot ulit siya.

"Best friend lang?"

"Ay, Hanns huwag demanding. Bukod sa alam natin parehong hindi tayo pwede ay kaka-break lang din sa akin ng manloloko kong ex."

"Alam ko naman 'yun, eh. Syempre binibiro lang kita kasi mas gusto ko na masaya ka kesa malungkot," he uttered and we both grew quiet. It was actually an awkward silence between us and I was starting to wonder what he was thinking that time. Akala ko ay hindi na siya magsasalita kaya aayain ko na sana siyang umuwi na kaso bigla niyang binasag ang katahimikan namin. "Tara, mall na lang tayo," he said and I questioningly swiveled my head at him.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon