"Sorry," he whispered, it was almost inaudible. "I'm so sorry," he murmured, his voice was thick with emotions, as he held my fists that were hitting him and wrapped them around his waist. I struggled against him but he pulled me closer to him as he circled his arms around me too. "I'm so sorry, Hannah," he reapeated against the top of my head. I felt him tremble.
I shook my head in vehemence as my tears continued to flow down my face. Tinanggal ko ang mga kamay ko sa baywang niya at muli ko siyang pinagsusuntok sa dibdib. Wala siyang ginawa. Hindi siya pumalag at patuloy lang niya akong niyakap.
Hindi ko ma-esplika ang sakit na naramdaman ko. Hindi ko rin ito masukat dahil patuloy lang nito akong nilulunod sa tuwing naaalala kong nagawa ni Hanns ang lahat ng mga bagay na narinig ko. Wala sa pagkatao ni Hanns ang manlinlang ng tao kaya hindi ko lubos maisip na niloko niya kaming lahat.
Parang akong nasa isang bangungot. Hindi ko mapaniwalaan ang lahat ng mga nangyayari. Ayaw kong paniwalaan ang lahat ng ito kahit na nasa harapan ko na mismo ang lahat ng ebidensiya. At kahit anong subok ko na magising sa bangungot na ito, patuloy lang lumalalim ang sugat sa puso ko dahil alam kong kahit na anong gawin ko ay hindi nito mababago na niloko kami ni Hanns.
Of all the people, si Hanns na yata ang kilala kong pinakamabait. He cares for everyone that surrounds him. But how come he manged to do such thing? Paano niya nasikmurang paglaruan kaming lahat sa palad niya? Siya pa ba ang Hanns na kilala at minahal ko?
Napahagulgol ako lalo sa mga naiisip ko. Naramdaman ko naman ang lalong paghigpit ng mga bisig ni Hanns sa akin. But instead of feeling comfort, I felt hurt. I felt empty. I felt betrayal. I felt nothing but the hollowess in my heart.
Hinalik-halikan niya ang tuktok ng ulo ko. Paulit-ulit niyang ginagawa iyon. Pero bakit ngayon, iba ang nararamdaman ko? Bakit imbes na tumahan ako ay lalo lang akong nasasaktan? Bakit ang sakit na yakap niya ako? Bakit ang sakit na pinapatahan niya ako? Bakit nasasaktan ako dahil sa presensya niya? Bakit? Bakit hindi matapos-tapos ang lahat ng sakit na ito?
"I'm so sorry, Yam..." patuloy na ibinubulong niya habang patuloy naman ako sa pagpupumiglas.
"Bitawan mo ako, Hanns," I said with conviction but he hugged me even tighter. "Ano ba! Bitawan mo ako sabi, eh!" Nagpumiglas ako lalo sa yakap niya pero hindi pa rin niya ako binitawan.
"Sorry..." was all he was whispering repeatedly against my ear. His voice cracked and I know that he was crying too because I felt his shoulders shook. "Patawarin mo ako, Hannah."
Tumulo ang mga luha niya. Naglandas ang mga ito mula sa ulo ko pababa sa noo ko hanggang sa sinamahan na ng sa kanya ang mga luha ko sa pagtulo sa pisngi ko.
It was really all so undeniably painful. Kahit na anong gawin ko ay 'yun at 'yun lang talaga ang nararamdaman ko. And I felt cheated too. Not because I caught him having another woman while we were together but because of the fact that he managed to pull that kind of trick just to get me back to him.
Ganoon na talaga siya kadesperado? What the hell he was thinking? Bakit niya ginawa 'yung bagay na 'yun? I was bombarded with questions. And what hurt me more? It's the truth that he did all of those dramas just because of me.
"Hands off me!" I demanded but he held me tighter. "Bitawan mo ako!" I pushed him by the chest using all the strength that I could muster. Napalayo naman siya sa akin at doon ko napansin na basang-basa na rin ng luha ang mukha niya.
Nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya. Sumisikip ang dibdib ko. Kasi, ang taong inaakala kong hinding-hindi ako kayang lokohin ay pinaikot lang pala ako. Ang taong akala kong magiging totoo sa akin sa lahat ng bagay ay nagpapanggap lang pala sa akin. Habang halos mamatay ako sa sakit sa araw-araw na kaka-isip kung bakit nawala ang lahat ng ala-ala niya sa kanya ay siya naman palang araw-araw niyang pagpapanggap.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)
RomanceHow far can you go into a journey full of uncertainties? How far can you walk a road full of doubts? How far can you run a maze full of secrets? And how far love can take you? Love, in its deepest form, purest sense and greatest degree, is not enoug...