Chapter 13: Bridging Gaps

430 53 0
                                    

"Alam mo bang mahal na mahal kita?" nakangiting tanong niya sa akin habang patuloy niyang pinupunasan ang mga luhang naglandas sa pisngi ko. Naramdaman ko ang lalong pagbilis ng pagtibok ng puso ko pero parang lalo lang akong nalito.

I heard what she said crystal clear and it actually repeatedly rang in my ears. But the weird thing was, her words were like a total stranger to me. They were as if a riddle that no matter how hard I tried to comprehend them, I still couldn't. They were mystefying. She was mystefying me. I didn't understand what she meant.

Anong ibig niyang sabihin by saying, alam mo bang mahal na mahal kita? Mahal niya ako? Bilang ano? Bilang pinsan? O bilang lalaking gusto niyang makasama? tahimik na tanong ko sa sarili ko.

I was totally baffled. And disoriented. I knew I was getting my way to assuming but I couldn't help it. Who wouldn't be? I have longed to hear those words from her lips for years and I was dying to believe that they really meant something. Something that I have wished for so long.

It's not the first time that she told me that she loves me. Kaming dalawa kasi ni Hannah ay very vocal kami sa mga nararamdaman namin. We often exchange our I love yous. 'Yun nga lang, 'yung I love you namin sa isa't isa ay magkaiba ang kahulugan.

Ako kasi, kapag sinasabi ko sa kanyang I love you, I always mean I am romantically in love with her and I am dying to be with her. I want to be the man for her who will show her what true and genuine love really means and I want to be her everything. But sadly, she's taking my words the other way around.

Samantalang kapag siya naman ang nag-I love you sa akin, ang ibig lang niyang sabihin is she loves me because we're related, because we're cousins and because I'm his Kuya. Ganu'n lang ang meaning ng mga salitang 'yun para sa kanya at akala niya ay ganu'n din lang ang ibig kong sabihin kapag sinasabi ko ang mga katagang 'yun sa kanya.

Minsan talaga, nakakalokong isipin na pareho lang naman kayo ng mga sinasabi sa isa't isa pero magkaiba naman ang kahulugan nu'n para sa inyong dalawa. 'Yung tipong naglalaro kayo ng taguan pero pareho naman kayong nagtatago. Nakakaloko, hindi ba? Ikaw tinatago mo 'yung feelings mo para sa kanya samantalang siya naman ay pilit niyang itinatago ang sarili niya sa'yo. Nakakabobo. Pero, ang mas nakakagago ay ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip niya na seryoso ka na pala sa mga sinasabi mo sa kanya.

Pero, itong huling sinabi sa akin ni Hannah ay parang may kakaiba akong naramdaman. Parang ibang-iba ito sa mga dating I love yous na sinasabi niya sa akin. Pakiramdam ko kasi ay ang ibig niyang sabihin ay mahal niya rin ako kagaya ng pagmamahal na meron ako para sa kanya. I didn't know where I got that kind of thinking. Siguro, dahil sa sobrang pagiging desperado ko sa kanya ay binibigyan ko na ng ibang kahulugan ang mga sinasabi niya sa akin. Pero, hindi ko pa rin kasi talaga magawang hindi umasa na sana, kahit na katiting man lang, ay magkaroon din siya ng nararamdaman para sa akin hindi lang bilang isang pinsan para sa kanya kung hindi kagaya ng nararamdaman ko para sa kanya. I want her to see me as a man who can love her with all I am and with all I have.

"Mahal na mahal kita, Hanns," she repeated and I just stared at her. Bilang ano? I wanted to ask but held back my tongue. Alam ko kasing ipapahiya ko lang ang sarili ko at lalo ko lang dudurugin ang puso ko kapag itinanong ko pa 'yun.

"Bilang pinsan," I said instead as I pasted a smile on my face.

"Bilang pinsan." She smiled back and the hope that bloomed in my heart instantly vanished. I let the smile still on my face as I slowly nodded my head.

"Yeah... bilang pinsan," I muttered and I had to stifle the sob that rose to my throat. 'Yun lang naman kasi talaga ang tingin niya sa'yo, Hanns kaya kahit na masakit ay kailangan mong tanggapin. Just be thankful na kasama mo ulit siya ngayon, pampalubag-loob na sabi ko na lang sa sarili ko.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon