Chapter 8: Misted Thoughts

492 58 7
                                    

I just stared at him, my mouth a little bit agape. I didn't know what to make up with what he said. At naloka naman ako bigla nang sabihin niyang kami raw ang sagot sa panalangin ng isa't isa. Ano naman kasi ang ibig niyang sabihin du'n? Na kami ang para sa isa't isa? Eh, mas malabo pa sa tubig na pinagbanlawan ang chance na magkagusto kami sa isa't isa. Hindi ko na talaga siya maintindihan pati na 'yung mga pahaging niya na minsan ay feeling ko ay totoo na.

"Let the right one, who'll give me his everything, come into my life," he recited grinning boyishly and I felt myself blush. Bigla rin akong nahiya kasi nabasa niya 'yung sinulat ko at nalaman niya ang mga kabaduyan ko sa buhay.

Sabi na nga ba at hindi maganda 'yung ideya nito, eh! Paano naman magiging effective 'yung mala-ritwal na alam niya na galing pa yata niya sa mga ninuno namin, eh kami lang ang nakapulot ng lobo ng isa't isa?! I silently grumbled. I glanced at him and his was still smiling from ear-to-ear.

"Saan mo nakita 'yan?" I asked for lack of anything to say.

"Sa may garden nga ng bahay namin. Kinuha ko kasi ang isa ko pang cellphone sa bahay. Hindi ko nadala kahapong nangibang-bahay ako at baka dito tumawag sina Mama," he retorted and I absentmindedly nodded.

"Hindi pa nga rin tumatawag sa akin sina Mama mula kahapon, eh," I thoughtfully muttered.

"Baka busy lang sila sa seminar kaya hindi pa sila nakakatawag," he said.

"Baka nga."

"Paano ba 'yan, ako ang nakakuha ng sa iyo at ikaw naman ang nakapulot nang sa akin? Ibig sabihin, meant to be talaga tayo," he proudly uttered and I frowned at him.

"Meant to be? Ano na naman 'yang mga pinagsasasabi mo? Paanong naging meant to be tayo, eh magpinsan tayo, Hanns? Wait, don't tell me nang dahil lang sa tayo ang nakapulot ng lobo ng isa't isa ay feeling mo na ay destined tayong dalawa?" I could feel the laughter in my voice. Iba talaga mag-isip 'tong pinsan ko minsan.

"Hindi ba, ganu'n naman talaga ang paniniwala? Kung sino ang nakapulot ng pinalipad mo, siya 'yung tao para sa'yo. And it so happens na napulot mo 'yung sa akin at ako ang nakapulot nang sa'yo. Isa lang ang ibig sabihin n'un, Hannah," he insisted and I stared at him in disbelief.

"But what you're saying is absurd. You're being irrational, Hanns. Nagkataon lang siguro na tayo ang nakakita ng mga lobo na 'to. Paano na lang pala kung napadaan dito si Aling Delia bago tayo dumating at siya ang nakapulot nitong lobo mo? Ibig sabihin, siya ang babae para sa'yo? Hanns, may asawa't mga anak na si Aling Delia, doble nang edad mo ang edad niya at masyado kang gwapo para maging isang kabit," natatawang sabi ko sa kanya at sumimangot siya.

"That's what I'm pointing out, Hannah. Wala ni isa sa mga kasambahay niyo ang nakakita n'ung lobo kahit pa alam naman nating lagi silang lumalabas sa mga oras na ito para i-check ang kabuuan ng bahay niyo at sa dinami-dami ng lugar na pwedeng pagbagsakan niyang lobo na 'yan ay dito sa inyo pa talaga ito bumagsak at ikaw pa talaga ang nakakita. Tingin mo coincidence lang ang lahat ng ito? Hindi, Hannah. At alam mo ba ang ibig sabihin ng lahat ng ito? Na ikaw talaga ang nakatadhana para sagutin 'yung dasal ko," he spoke and I shook my head. Ano ba kasing pinaglalaban nitong pinsan ko at pinipilit niyang destiny ang pagkakapulot ko nang lobong pinalipad niya?

"Ewan ko sa'yo, Hanns. Masyado kang nagoapaniwala sa isang bagay na kathang-isip lang. Kaya tignan mo, nagiging unreasonable na 'yang mga ideas mo," I muttered before I turned to leave.

"Hannah naman, sandali lang." He grabbed my arm when I was about to open the door of the main entrance of our house. "Pag-usapan naman natin ito."

"Anong pag-uusapan natin, Hanns? Hindi ko maintindihan kung bakit patuloy mo pa ring pinipilit 'yang mga pananaw mo when in the first place ay alam mo sa sarili mong malabo 'yang mga pinagsasasabi mo kasi magpinsan tayo. Saan mo naman daw nakuha 'yung ideya na tayo ang para sa isa't isa. That's ridiculous! Hindi na kita maintindihan at pakiramdam ko ay may mga dapat akong malaman mula sa'yo na hindi mo masabi-sabi sa akin."

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon