Chapter 22: Revelations

384 51 0
                                    

"WHAT?!" gulat na tanong ni Hanns. Napatayo rin siya sa kanyang upuan. "Anong soon-to-be fiancée, Pa?!" he asked in disbelief. Nasa boses niya ang labis na pagkabigla at ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Tito Danilo samantalang ako naman, nabato ako sa kinauupuan ko at hindi nakapag-react.

Fiancée. Parang pinagsasampal ako ng salitang 'yun. Nakakabingi siyang pakinggan kasi ang sakit sa puso at hindi ko matanggap. Dama ko ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa sobrang pagkagulat. Parang nanlamig din ako.

I felt an overwhelming fear envelope me. Ni minsan, hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ang bagay na ito. Ni minsan, hindi ko naisip na darating sa puntong ipagkakasundo siyang ipakasal sa iba. Kaya lahat ng takot ko na mawala siya sa akin, bumalik.

Ang sakit isipin. Ang sakit malaman. At ang sakit pakinggan.

I felt like crying. Pero pinigilan ko ang sarili ko na umiyak. Tatanggapin ko naman kung hindi matatanggap ng pamilya namin ang relasyon namin ni Hanns. Pero ang hindi ko tanggap, ang ipakasal siya sa ibang babae. Kasi hindi ko kakayanin.

Paano na lang ako? Ang tagal bago ko na-recognize 'yung feelings ko para sa kanya tapos ngayong nag-uumpisa na kaming dalawa na bumuo ng mga magagandang ala-ala kasama ang isa't isa, ngayon pa siya pipiliting magpakasal sa iba? Paano na lang kaming dalawa?

Ang unfair naman nina Tito. Ang unfair ng buhay. Bakit kung sino pa 'yung mga nagmamahalan, sila pa 'yung hindi pwede? Bakit hindi na lang nila hayaang maging masaya kami ni Hanns?

"Ano ito, Pa?!" Hanns questioned sharply. Medyo tumataas na rin ang boses niya. "Bakit may ganito?!"

"Hanns, calm down, anak." Malumanay ang boses ni Tita Lynda.

"How can I calm down, Ma?! Tell me, how can I calm down when you're telling me about my future as if my life is in your hands and you have all the power to manipulate me and tell me what should I do?!"

"Do not make a scene here, Hanns." Tito Danilo's voice was calm although I could feel the underlying authority in it.

"You're the one who's making a scene here, Pa!" Hanns snapped. "Nag-prepare kayo ng dinner para sa akin nang hindi ko alam ang dahilan tapos biglang malalaman ko na lang na balak niyo pala akong ipakasal sa iba?! Worst, sa babae pa na hindi ko man kilala?!"

"Enough, Hanns. Sumosobra ka na!" Tito Danilo snapped too. "Nakakahiya sa mga bisita natin!"

"Nakakahiya?! Ako pa ngayon ang nakakahiya, Pa?! Really? Look, you know that you have all my respect pero hindi naman siguro tama na binibigla niyo po ako lalo na sa mga bagay na ganito! Hindi ko man lang po alam na may mga ganitong plano po pala kayo para sa akin. You should have told me earlier para hindi po tayo nagkakabiglaan ng ganito sa harapan ng ibang pamilya."

First time kong nakitang ganito sumagot si Hanns sa Papa niya. Lagi siyang mahinahon kapag kausap ang mga magulang niya. Alam kong magagalit siya but I didn't expect that his reaction would be as infuriated as this.

"I planned to tell you about this yesterday when I called you-----"

"Pero hindi niyo pa rin po sinabi," Hanns cut him off. "Bakit? Mas prefer niyo po ba na biglain ako and you think na kapag nabigla niyo ako, basta-basta na lang akong mapapa-oo? At kailan pa nagkaroon ng arrange marriage sa pamilya?" he questioned.

Hindi uso sa pamilya namin ang arrange marriage dahil naniniwala ang mga magulang namin dati na dapat ang taong pakakasalan mo ay 'yung taong mahal mo talaga at hindi 'yung ipinilit lang sa'yo kaya hindi ko alam kung bakit may ganitong drama ang mga magulang ni Hanns.

Tahimik lang kaming lahat na nakikinig sa usapan ng mag-ama. Kahit ang mga Lorenzo, tahimik. Walang umimik sa amin habang nagkakasagutan sila.

"Kailan pa po nabali ang mga prinsipyo ninyo tungkol sa pagpapakasal, Pa?" Hanns queried and Tito Danilo sighed.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon