Chapter 47: Drunken Misery

374 52 0
                                    

This chapter totally broke my heart. I am sorry for all the dramas. *****

It has been more than a week since I have learned about all the dramas that Hanns had managed to pull just to get me back to him but I was still hurting. Deeply. I was still feeling the same degree of pain that I felt several days ago. No! Parang mas lalong tumitindi ang sakit na nararamdamam ko sa puso ko sa bawat araw na lumilipas.

Sa loob ng isang linggo ay puro sakit ng loob lamang ang naramdmaan ko. Sakit ng loob na naramdaman ko rin nang malaman kong nawala ang anak namin. Sakit ng loob na ayaw ko na sanang maramdaman kasi parang dahan-dahan akong pinapatay pero pinaramdam ulit 'yun sa akin ni Hanns. Sakit ng loob na parang wala ng katapusan.

Lunod na lunod na ako sa lahat ng sakit na ito, pagod na pagod na ako pero wala akong lakas para umahon sa pagkakalugmok ko. Kasi 'yung taong pinagkukuhanan ko ng lakas ay siya mismong naglugmok sa akin sa kinaroroonan ko ngayon. That's the most painful part of it.

How to forgive? 'Yan ang lagi kong itinatanong sa sarili ko. Mahirap. Lalo na kung nasaktan ka talaga. Lalo na kung masyado kang nagtiwala. Lalo na kung masyado kang nagmahal. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ni Hanns ang lahat ng bagay na nalaman ko.

Hindi na rin kami nagkita ni Hanns nitong mga nakaraang araw at hindi na siya nangulit sa akin. Wala na akong balita pa sa kanya at hindi na rin siya pumuntang bahay muli. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat ang bagay na 'yun. Kahit kasi hindi na kami nagkita pang muli ay sariwa pa rin ang mga sugat na ginawa niya sa puso ko at lalong lulalalim ang mga ito sa tuwing gumuguhit ang mukha niya sa utak ko.

The love Hanns and I shared was so intense and very destructive. Sa sobrang pagmamahal namin sa isa't isa ay pareho kaming nasisira nito. Nama-manipulate na ng nararamdaman namin ang mga desisyon namin. It's not anymore healthy for the both of us. Kasi, unti-unti na kami nitong binabago. Lalo na si Hanns. And I do not like it. Ayaw kong tuluyan siyang magbago dahil sobrang mahal na mahal niya ako. Ayaw kong ang pagmamahal niya sa akin ang maging dahilan para mapasama siya. Ayaw ko. Hindi ko kaya.

Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga bago nagpaling-linga sa coffee shop na kinaroroonan ko. It was Friday morning at maaga akong nagpunta dito sa Starbucks. Tita Lynda called me last night at gusto niya raw mag-usap kaming dalawa. I was hesitant at first because I have an inkling of what she wanted to talk to with me. Pero sa bandang huli ay napapayag din niya ako.

Maaga ako ng thirty minutes na dumating kesa sa napag-usapan naming oras. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kasi parang ayaw ko 'yung kung ano man ang pag-uusapan namin pero parang hindi naman ako mapakali sa bahay kaya kaagad din akong umalis. Mabilis din ang kalabog ng puso ko.

Nakapag-usap na rin kami nina Mommy at Daddy tungkol sa aming dalawa ni Hanns at nasabi ko na sa kanila ang lahat ng nangyari. I thought that they needed to know everything that was happening to me, including my lovelife, and I was very thankful to them because they were both very supportive of my decisions. Nag-alala sila sa akin nang una kasi iyak ako nang iyak pero siniguro ko sa kanilang magiging okay din ako. Kahit pa alam ko naman sa sarili ko na malabo akong maging okay sa ngayon. Sa loob ng nakalipas na isang linggo ay walang mintis nila akong pinupuntahan sa kwarto ko para makausap at ma-comfort.

Napatingin ako sa suot kong relos. Maaga pa talaga, I thought with a sigh. I decided to browse the internet using my phone as I was waiting for Tita Lynda to arrive. Wala pang masyadong tao sa loob ng Starbucks kasi masyado pang maaga. Hindi naman ako masyadong nainip sa paghihintay at eksaktong dumating si Tita Lynda sa pinag-usapan naming oras. I smiled at her as I watched her walk towards my table.

"Denisse," nakangiting bati niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit at tumayo ako para salubungin siya.

"Hello po, Tita," I smilingly greeted her too as I hugged her and kissed her on the cheek. Naupo kami pagkatapos.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon