Hanns and I were first cousins.
Magkapatid ang mga Papa namin at sa isang exclusive subdivision kami nakatira. Kaming dalawa na ang laging magkasama mula nu'ng mga bata pa kami kaya talagang malapit kami sa isa't isa. I am an only child same as he is and we grew up before each other's eyes.
Hindi lang magpinsan ang turingan naming dalawa, higit pa doon. He's a brother, a companion and a best friend to me. He's always on my side whatever cicumstances I face. Never did he leave me when I need him, not even once. Lahat ng mga importanteng nangyari sa buhay ko ay siya ang lagi kong kasama, napagsasabihan at karamay - he was there for me during the most glorious moments of my life and he was also on my side during the darkest days I had. S'ya ang naging kasangga ko sa lahat ng mga pinagdaanan ko and he's always willing to stay with me in every up and down of my life. Kaya nga mahal na mahal ko ang nag-iisa kong pinsan na 'yun.
Hanns is a year older than me pero ayaw na ayaw niyang tinatawag ko siyang Kuya. Hindi ko alam sa kanya kung anong issue niya sa word na 'yun at parang ang laki ng hinanakit niya kasi naimbento ang salitang Kuya. Kaya mula pa noong mga bata pa lamang kami ay nasanay na akong tinatawag siya sa pangalan niya. Minsan nga ay sinabihan ako nina Papa kasi bakit parang hindi ko na raw nirerespeto si Hanns at hindi ko siya tinatawag na Kuya pero si Hanns na mismo ang nagsabi sa kanila na ayaw niyang tinatawag ko siya sa ganu'ng klase ng pangalan.
He knows everything about me and he hides nothing to me. As in lahat-lahat ay nasasabi namin sa isa't isa. Ganu'n kami ka-close at siguro 'yun ang dahilan kung bakit sobrang panatag ang loob ko kapag siya na ang kasama ko. I know him for all my life at kung may tao man ang pinaka-nakakakilala sa kanya ay ako 'yun.
At dahil kaming dalawa lang ang magpinsan, isinunod ang pangalan ko sa pangalan niya. Ang mga Papa kasi namin ay silang dalawa lang ang magkapatid tapos ang mga Mama naman namin ay nag-iisang anak din lang. And I am so grateful dahil sa sobrang closeness namin ng pinsan ko. Pakiramdam ko kasi ay never akong mag-iisa at lagi akong may matatakbuhan dahil kay Hanns.
"Hindi kaya magalit sina Papa? Hindi man lang ako nakapag-text sa kanila kanina," tanong ko sa kanya nang ihinto niya ang sasakyan sa harap ng gate ng bahay namin. Kakauwi lang namin galing mall. "Hindi kasi ako nagpaalam na gagabihin ako," I added worriedly.
"Wala ka bang tiwala sa akin? 'Di ba ang sabi ko, ako na ang bahala?" he asked as he unsnapped his seatbelt. "Sandali lang, huwag ka munang lumabas," he said before he got off his car and ran to the other side. He opened the door for me and offered his hand.
"Ang sweet naman ng pinsan ko," I teased as I took the hand he offered and he smiled before he guided me to alight from his car. "Sana ipinasok mo na lang ang kotse mo sa garahe namin, automatic naman 'yung gate nu'n at nare-recognize niya ang sasakyan mo," I told him as he pressed on the doorbell.
"Sandali lang ako, ihahatid lang kita sa loob. Tsaka, ayan lang ang bahay namin o, katabing-katabi lang ng sa inyo," he chuckled as he pointed their house. Someone opened the gate and we turned our gazes to her.
"Good evening po," bati ni Aling Delia, kasambahay namin, pagkabukas niya ng gate.
"Good evening din po," we greeted back and she guided us inside. Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nasa sala sina Mama at Papa at mukhang hinihintay ako.
"Hello, Ma!" I greeted as I went to my mother to kiss her cheek and to hug her.
"Hello, anak," she said returning my hug.
"Hi, Pa!" I said to my father before I kissed and hugged him too and he did the same.
"Good evening po, Tito Dante at Tita Helen," Hanns greeted politely to my parents. Nagmano rin siya sa mga ito.

BINABASA MO ANG
The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)
RomantizmHow far can you go into a journey full of uncertainties? How far can you walk a road full of doubts? How far can you run a maze full of secrets? And how far love can take you? Love, in its deepest form, purest sense and greatest degree, is not enoug...