Chapter 38: Sunken Souls

311 50 0
                                    

"Shh... tama na, Yam. Tahan na," I said as I consolingly ran my hand through her back. "Tahan na," I mumbled as I held her tighter. My eyes were starting to water with tears too. I kissed the top of her head as she continued to cry. Her sobs were like arrows that were sent to stab my heart.

Pagdating kay Hannah, nagiging mahina ako. Pagdating sa kanya, mabilis na tumulo ang mga luha ko. She may be my strength but she's definitely my weakness too.

"Bakit hindi na lang ang anak ko ang nailigtas? B-bakit ako pa? Siya na lang sana," she muttered and I tightened my arms around her.

"Huwag mong sabihin 'yan, Yam," I mumbled against her hair. "May dahilan ang lahat ng nangyari..." dagdag ko.

At alam kong hindi ko lang 'yun gustong sabihin sa kanya. Gusto ko ring sabihin 'yun sa sarili ko. Dahil kahit na ako, hindi ko magawang kumalma dahil sa mga pampalubag-loob na sinasabi ko sa kanya. Hanggang ngayon, paulit-ulit pa rin akong nasasaktan kapag naalala kong nalaglag ang anak namin. Hindi 'yun nababawasan. Lalo lang 'yun nagliliyab lalo na ngayong nakikita ko ang hindi maipaliwanag na sakit kay Hannah.

Tiningala niya ako. Puno ng luha ang mga mata niya at sobrang kabiguan ang nakikita ko doon. Patuloy na nalunod ang puso ko sa kalungkutan niya.

Madalang magpakita ng kahinaan si Hannah. Lalo na sa harap ng ibang tao. She's fierce and it really takes something as painful as the death of our child to bring her to her knees. Napanghinaan man siya ng loob sa naging takbo ng relasyon namin dati at makailang beses na umiyak dahil doon, iba pa rin ang nakikita ko sa kanya ngayon. Now that she's on her lowest point, I just can't explain how much pain she felt because her sobs held a misery like no other.

"Hanns, bakit hindi ang anak natin ang pinaligtas mo?! Bakit hindi siya?!" she sobbed as more tears ran down her face.

Hinawakan ko ang mukha niya at umiling ako sa kanya. Pinahid ko ang mga luha niya na walang tigil sa pag-agos mula sa mga nata niya. Her tears seemed to fall endlessly. Walang ibang namutawi sa mga mata niya kung hindi ang kanyang kasawian para sa anak namin.

Hindi ko alam kung gaano kasakit para sa kanya ang nangyari. Kasi, kahit noong ako ang unang nakarinig nu'ng balita, hindi ko masukat ang lalim ng sugat na iginuhit nito sa puso ko. The wounds were still fresh and it really bleeds all the time. Parang nasanay na lang ako sa pagdugo nito at naging parte na ng pagkatao ko ang sakit na nadarama ko.

What more pa kaya para kay Hannah? Kung ako ay halos hindi ko nadala ang sakit, paano pa kaya siya? Alam kong doble pa ang sakit na nadarama niya kesa sa akin kaya parang pinipiga ang puso ko dahil walang-wala itong sa akin kumpara sa sakanya.

Hinawakan niya ang mga kamay ko na nasa mukha niya. Tumigil sa pagpahid ang mga daliri ko sa mga luha niya. "Ang anak na lang sana natin ang pinaligtas mo," mahinang bulong niya, sapat lang iyon para marinig ko. Bakas sa boses niya ang panghihina.

Umiling ako at isang beses ko pang pinahid ang isang luhang malayang nahulog sa mata niya. "Hindi ko rin alam," masuyong ibinulong ko habang inilalapit ko ang mukha ko sa kanya. "Hindi ko rin alam na buntis ka. Nalaman na lang namin nang sabihin ng doktor na nalaglag na ang anak natin," I whispered and felt my heart twitch over and over again.

I actually expected her reaction. Sa tatlong araw na hindi pa siya nagigising ay hindi ko na mabilang kung ilang beses ko bang inihanda ang sarili ko para dito. Ako nga sobrang nasaktan nang malaman ko 'yun, siya pa kaya? Pero mas masakit pala na makita na mismo na iniiyakan niya ang pagkawala ng anak namin. Ang sikip sa dibdib.

"I should have known na buntis ako kasi katawan ko 'to at dapat naramdaman ko na ang bata kahit dugo pa lang siya sa sinapupunan ko. Kung hindi ako nagpabaya at naging ignorante sa mga naramdaman kong pagbabago sa akin ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Ako ang dapat unang nakaalam na buntis ako! Kasalanan ko ang pagkawala ng bata!" She continued crying and I expelled a heavy breath.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon