Chapter 44: Remembering Love

366 52 0
                                    

Maaga akong pumunta sa bahay nina Hanns kinabukasan. Gusto kasi niya na sumama pa ako sa kanila sa pagpapa-check up niya sa kanyang doktor. Natatawa nga ako kapag naaalala ko kung paano niya ako pinilit kasi para talaga siyang bata. What he didn't know was I wanted to come with them too because I wanted to know what his doctor would say about his condition.

Sobrang gaan ng pakiramdam ko. Pagkatapos ng nangyari kagabi sa kwarto ni Hanns, hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko. Halos hindi rin ako nakatulig sa lahat ng napag-usapan namin kagabi. He always makes me feel floating in the air. Kahit na ngayong may amnesia pa siya. Sobrang saya ko lang talaga nang dahil sa kanya. Damang dama ko ang sayang iyon sa mabilis na pagtibok ng puso ko.

Pagkarating ko sa bahay nina Hanns ay sinalubong ako ng isa sa mga kasambahay nila at pinapasok ako sa loob. Sakto naman ang pagbaba nina Tito Danilo at Tita Lynda sa hagdanan pagkapasok ko sa sala. I smiled at them and they returned my smile.

"Good morning po," I politely greeted.

"Good morning, Denisse," they greeted back as they continued to smile at me. Yumakap at humalik ako sa mga pisngi nila.

"Si Hanns po?" tanong ko sa kanila.

Medyo nagtatakha ako kung bakit hindi pa sila nakabihis. 8:00 AM ang appointment namin sa doktor pero 7:30 AM na ay hindi pa sila nakahanda. Ano ba'ng meron? Hindi ba kami tuloy ngayon?

"Nasa kwarto pa niya," Tito Danilo answered my querry. "Kanina pa namin siya pinapakain at pinipilit na maligo pero ayaw niya."

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi ni Tito. "Bakit naman daw po?" nagtatakhang tanong ko naman sa kanila.

They both sighed before they fixed me a serious stare. "Gusto raw kasi niya, ikaw ang magpakain at magpaligo sa kanya kaya ayaw pa niyang umalis sa kwarto niya," Tita Lynda responded and I wasn't sure why I suddenly felt shy. Parang ang dating kasi sa akin ay inaagawan ko sila ng pwesto kasi hindi makakain o makaligo ang anak nila nang wala ako.

But a part of me felt happy with what I heard. Parang bumabalik na kasi talaga ang dating Hanns na hindi makagawa ng kahit na anong bagay na hindi ako kasama. My baby is really back, the thought kept on running inside my head as my heart pounded faster and faster.

"Po?" Was all I could ask. Hindi ko rin aan kasi alam kung paano ako magre-react sa sinabi niya. And the safest answer was to ask the polite question po.

Tita Lynda shrugged. "Hindi ko rin alam kung ano na namang nangyayari sa anak ko na 'yun. Kilala mo naman si Hanns, kapag sinabi niya ikaw ang gusto niyang kasama ay hindi mo siya mapipilit na gawin ang isang bagay kung hindi ikaw ang kasama niya," Tita spoke with a sigh. She looked at me then before giving me a genuine smile. "Ganoon pa man, natutuwa ako kasi at least ay may nakikita na tayong improvement sa kalagayan ni Hanns. At least 'yung mga dati niyang ginagawa at 'yung mga dati niyang ugali ay bumabalik na sa kanya," she sincerely said and I returned her smile as I nodded.

"Akyatin mo na siya, Denisse. Nasa loob na ng kwarto niya ang pagkain niya. Pinipilit kasi talaga namin siyang kumain pero hihintayin ka na raw muna niya." Tito Danilo smiled. "May usapan yata kayong dalawa ngayong araw?" he asked and I nodded again. "O sige, maghahanda na kami ni Tita Lynda mo para sa pagpunta natin sa doktor."

"Paano po 'yung appointment natin? 8:00 AM po 'yun, 'di ba? Male-late na po niyan tayo," I worriedly uttered.

I looked at my wristwatch and there's no way we could get at our appointment in time because it was already quarter to eight. I sighed. Bakit kasi nayon pa sinumpong ng pagkamakulit si Hanns? I asked myself. Para talagang bata, I added.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon