Chapter 6: Tender Attachment

579 54 7
                                    

"God, Hannah are you pregnant?! May nangyari na ba sa inyo ni Louie?! Tangna! You're just eighteen, bakit ka pumayag na gawin n'yo 'yun?! Ang bata-bata mo pa para sa bagay na 'yan!" he said hysterically but I just continued to stare at him. "Bullshit! Hannah, bakit?!" he asked in obvious total frustration. "Damn! Sabihin mo sa akin kung bakit sa kanya pa?!" he yelled as he hit the wall of the comfort room with his fist and I looked at him, affrighted.

I didn't expect his fury. I didn't think that he would get this hysterical. At sa unang pagkakataon ay natakot ako sa kanya dahil nakikita ko sa mga mata at ikinikilos niya na sobrang galit talaga siya.

Sa lahat ng lalaking kilala ko, si Hanns na yata ang pinakamahinahon. Oo, nagagalit siya at oo, nagtataas siya nang boses pero nature lang naman ng mga tao 'yun, hindi ba? Natural lang naman sa ating lahat na magtaas nang boses kapag nagagalit. Pero, ngayon ko lang nakita na sa sobrang galit ni Hanns ay sinuntok niya 'yung pader. Sobrang nakakatakot talaga siya.

He's always jolly. 'Yung tipong lahat na lang ng bagay, kahit na malaking problema man 'yan, ay light lang niyang dinadala. Siya 'yung tipo ng tao na mas tinitignan niya 'yung brighter side ng mga nangyayari. Magaan kung dalhhin niya ang buhay kaya nakaka-good vibes talaga kapag siya ang kasama mo. Nagiging tigre lang talaga siya minsan kapag ako na ang naa-agrabyado.

He was raging with anger and that's made me horrified. I wasn't afraid that he might hurt me because he was too riled up. Alam kong hinding-hindi magagawa ni Hanns na saktan ako kahit na ano pang mangyari. What made me terrified more was the idea that he was having a wrong conclusion in his mind.

"Bakit sa kanya pa, Hannah?!" he snapped and I almost jumped in fear.

"Hanns, it's not what you-----"

"Tapos ano, pagkatapos niyang makuha ang gusto niya sa'yo ay iiwan ka na lang niya basta-basta?! Paano-----"

"Teka lang, Hanns, I think you misunderstood-----"

"Tangnang, Louie na 'yan! Huwag na huwag talagang magpapakita sa akin ang gagong 'yan! Sinira ka niya! Sinira niya ang buhay mo!" he furiously uttered. Napasabunot na rin siya sa buhok niya sa sobrang galit. Jusme, baka anytime ay maging dragon ang isang 'to.

"Let me explain, Hanns," I tried to calm him down but he was too fueled with anger.

"Bakit ka bumigay, Hannah?! Hindi ba ang sabi ko sa'yo, huwag kang magpadalos-dalos sa mga desisyon mo? You should have rejected hima Hannah naman..." he muttered. Huminahon na rin nang bahagya ang boses niya. Parang paiyak na siya and he looked so wasted and I suddenly felt like laughing as I looked at him. "Bakit sa kanya?" he questioned and I couldn't contain my laughter anymore as I guffawed. "Anong nakakatawa? Is there anything funny about this matter? 'Yan ang problema sa'yo eh, hindi mo alam kung ano 'yang pinasok mo tapos tawa ka pa nang tawa!" He spatted and I laughed harder.

Ano ba 'yan? Kanina takot na takot ka sa kanya pero ngayon naman pinagtatawanan mo na 'yung reaksyon niya. May saltik ka na yata, Denisse. I told myself.

"Wait, just give me a minute," I said as I tried to stop myself from laughing.

"Hannah, will you please stop laughing?! I am getting more pissed off!"

"Teka nga lang. Sinusubukan ko na ngang pigilan."

"Ano bang nakakatawa? Hindi na kita maintindihan!"

"Teka lang, Hanns pwede? Huwag ka munang magsalita at lalo akong natatawa," sabi ko at lalo siyang sumimangot. I straightened as soon as I have recovered from laughing and he just stood in front of me, intently watching me with his brows knitted together.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon