Chapter 27: Romantic Lies

431 53 0
                                    

I woke up because I felt like throwing up. Mabilis kong inalis ang kamay at hita na nakadantay sa akin at tumakbo papuntang banyo. Parang medyo nahihilo rin ako. Humarap ako sa inidoro at doon ako nagsuka. Parang umiikot ang sikmura ko.

Kumuha ako ng tubig mula sa lababo pagkatapos at nagmumog. Kumuha rin ako ng towelette mula sa cabinet na naka-hang sa itaas ng sink at pinunasan ko ang bibig ko gamit iyon. Bumuntong-hininga ako habang pinapasadahan ng tingin ang bagong gising na sarili ko sa harapan ng salamin. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang inaalala ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo.

It's been almost a month since na tumira kami ni Hanns sa condo niya. I do not know what to call on our set-up. Ayokong isipin na nagli-live in na kaming dalawa pero parang ganu'n na nga ang nangyayari. At kahit ganu'n pa man o kahit ano pa man ang tawag dito, wala rin naman akong pakialam basta masaya ako na kasama ko si Hanns at masaya ako sa relasyon naming dalawa.

Wala namang masyadong nangyari nitong mga nakaraang araw at hindi na rin namin nakita 'yung Tiffany kasi hindi naman kami naglalalabas ni Hanns sa condo. Kung wala rin naman kaming lakad ay mas pinipili naming mag-stay na lang sa condo. Lumalabas lang talaga kami kapag may date kaming dalawa, maggo-grocery kami, magsisimba or gusto naming mamasyal. I prefer na nasa condo lang kami kasi mas nasosolo namin ang isa't isa.

Pati sa mga magulang namin ay wala na akong balita. Hindi na talaga kami binalikan ng mga Mama namin pagkatapos ng komprontasyong naganap noong pinuntahan nila kami. I cannot let go of Hanns. Siya ang pinili ko at paninindigan ko iyon dahil mahal na mahal ko siya. Alam ko rin na ginagawa niya ang lahat para lumaban para sa aming dalawa kaya hindi ko rin siya bibitawan.

Hindi ko lang talaga maiwasan ang mangamba dahil baka may pinplano na pala sila sa amin ni Hanns para mapaghiwalay nila kami. 'Yung feeling na tipong tahimik sila ngayon tapos kapag akala namin ni Hanns na okay na ang lahat ay doon sila magpapasabog. Nakakatakot.

Nakakalungkot din kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maayos sa kanila. Gustuhin ko man kamustahin sina Mama at Papa ay natatakot naman ako sa maaari nilang sabihin. Siguro masakit pa rin ang loob nila sa amin. 'Yun ang gusto kong isipin. Pero ang ikinatutuwa ko naman ay wala na akong narinig na kahit na ano tungkol du'n sa arranged marriage. Tapos si Hanns naman, todo ang pag-aalagang ginagawa niya sa akin.

Paglabas ko ng banyo ay nakita kong gising na si Hanns pero nakahiga pa rin siya sa kama. Tinitigan niya ako habang papalapit ako sa kanya. "Saan ka galing, Yam?" he drowsily asked, frowning. Alam ko kung bakit siya nakasimangot kasi tulad ko, ayaw na ayaw din niya na nagigising na hindi ako kayakap. I inwardly smiled.

Pinagmasdan ko siya at medyo pumipikit-pikit pa ang mga mata niya. But damn, he's so hot kahit kakagising lang niya. Magulo ang kanyang buhok at mapupungay ang kanyang mga mata. Stop drooling over your man, Denisse! Iyong iyo na nga 'yan tapos pinagnanasahan mo pa rin! I reprimanded myself silently.

Lalong kumunot ang noo niya dahil sa pagtitig ko sa kanya kaya sumagot na ako. "Sa banyo. Nagsuka ulit ako, Hanns," I told him as I sat on the bed near him.

"What?! Nagsuka ka na naman?" he queried as he sat up abruptly. He looked tensed pero kaagad din namang lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. "Kamusta ang pakiramdam mo?" he asked softly, wrapping his arms around me while his eyes were filled with concern.

"Ayos lang naman," sagot ko.

Hindi naalis ang tingin niya sa akin. Bakas talaga doon ang pag-aalala. "Dadalhin kita sa doktor mamaya for check-up," aniya.

Umiling ako bago ko hinilig ang ulo ko sa dibdib niya. "Huwag na. Feeling ko epekto pa rin ito nu'ng kinain kong cake kagabi," sabi ko sa kanya.

Bigla kasi akong nag-crave ng black forest cake kagabi. Kahit 12 midnight na ay pinilit ko pa rin si Hanns na ibili ako nu'n kasi gustong-gisto ko talagang kumain. Buti naman at napilit ko siya at buti na lang ulit ay may bukas pang cake shop na malapit sa condo niya kaya nabili pa rin niya ako.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon