Chapter 12: Overwhelming Distress

375 54 0
                                    

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising ko kina-umagahan dahil na rin siguro sa sobrang pag-iyak kagabi. It felt like it was repeatedly hit by a hammer. Ang bigat pa ng talukap ng mga mata ko and I quelled the urge of closing them again and just go back to sleep. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit at ang hapdi rin ang mga mata ko. Pero mas masakit pa rin ang puso ko. Wasak na wasak.

I was hoping na panaginip lang ang lahat nang nangyari kagabi. Kasi, mas gugustuhin ko pa ngayon na sana ay hindi niya na lang alam ang nararamdaman ko para sa kanya kaysa naman alam niya nga, iiwasan naman niya ako; na sana ay hindi ko na lang sinabi sa kanya ang totoo, eh 'di sana kasama ko siya ngayon. But I knew to myself na totoo lahat ng 'yun. Because it wouldn't be this too painful kung panaginip lang ang lahat; hindi sana ngayon durog ang puso ko. Nakakapanghina ang lahat ng nangyari.

I groaned when I tried to sit up. Napasapo ako sa ulo ko kasi masakit talaga ito at napahiga na lang ako ulit. I looked at the digital clock on top of the bedside table. Nanlaki ang mga mata ko kasi alas-dose na pala nang tanghali.

"Ganu'n katagal ako nakatulog?" I asked myself. "But it would be better kung hindi na lang ako nagising," I added and laughed sadly. Napailing na lang ako sa sinabi ko. Wala, Hanns. Wala lang kwenta, my mind taunted, adding insult to the injury.

Nakita ko rin sa bedside table ang dalawang lobo at lalong nanikip ang dibdib ko. Sana hindi na lang ako ang nakadampot ng lobo niya at sana hindi na rin lang siya ang nakapulot ng sa akin. Kahit alam kong napaka-illogical nang ganu'ng paniniwala ay kumapit ako at may sumibol pa ring pag-asa sa puso ko para sa aming dalawa na kaagad din naman niyang pinaglaho. I expelled a heavy breath.

Dinaig ko pa ang pinatay. Pakiramdam ko napaka-walang kwentang tao ko kasi hindi ko man lang makuha 'yung babaeng ang tagal kong pinapangarap; hindi man lang ako makuhang mahalin ng babaeng mahigit isang dekada ko nang minamahal; hindi man lang niya mabigyan ng pansin itong nararamdaman ko para sa kanya; at wala man lang akong magawa ngayon kung hindi magmukmok at umiyak. I mustered all the courage I have and I could para lang masabi ko sa kanya 'yung nararamdaman ko pero wala akong napala. Pulos sakit lang ang nakuha ko.

I prepared myself for her rejection. Sinabi ko sa sarili ko na kung darating man 'yung panahon na magtapat ako sa kanya, dapat handa ako sa rejection niya. Knowing Hannah, mapanindigan siya sa kung ano ang tama kaya alam kong malaki ang posibilidad na hindian niya ako pero naglakas-loob pa rin akong sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya n'ung tanungin niya ako. Pero, kahit anong sabi mo pala sa sarili mo na handa ka na sa maaari niyang sabihin, mas masakit pa rin pala talaga na marinig ng dalawang tenga mo ang rejection niya. Nakakadurog ng puso at nakakasira ng buong pagkatao.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa pagiging magpinsan namin. Dapat ko ba itong ipagpasalamat o sana ay hiniling ko na lang na hindi kami magkadugo? Dahil kasi du'n kaya naging malapit kami nang sobra sa isa't isa. Pero, nang dahil din du'n, naging mali ang mahalin ko siya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin minsan na kung hindi kaya kami naging magpinsan ni Hannah, magkakakilala kaya kaming dalawa? Magiging malapit din kaya kami sa isa't isa? At mamahalin ko kaya siya nang sobra-sobra gaya ng pagmamahal ko sa kanya ngayon? Siguro, oo. Hindi ko naman kasi nakikita ang sarili ko na nagmamahal ng ibang babae kung hindi siya lang. At siguro, kung sakaling hindi man kami naging magpinsan, mamahalin niya rin ako kagaya ng pagmamahal ko sa kanya. Siguro nga. I was very hopeful... and desperate.

"Sir Hanns," I was pulled out from my musings when I heard one of the househelps call and knock on the door.

"Ano po 'yun, Aling Delia?" I asked. Hindi ako tumayo mula sa pagkakahiga sa kama kasi nanghihina ako.

"Mabuti naman po at gising na kayo. Kaninang umaga ko pa po kayo ginigising at kinakatok dito sa kwarto niyo pero mukhang himbing na himbing pa po kayo sa pagtulog. Nakahanda na po ang tanghalian," she said.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon