Chapter 36: Acceptance

314 53 0
                                    

Everyone inside the room seemed astounded. Lalong-lalo na ako. Nasa mukha ng lahat ng mga nasa library ang lubos na pagkabigla dahil sa sinabi ni Papa. Kitang-kita ko 'yun habang palipat-lipat ang mga tingin ko kina Tito Dante, Tita Helen at sa mag-asawang Lorenzo. We all grew silent and no one even moved. It was as if everyone was holding their own breath.

Pinagmasdan kong maigi ang mukha nina Tito Dante at Tita Helen at bakas sa kanila ang sobrang kalituhan. Muli kong inilipat ang mga tingin ko sa mga Lorenzo at pati na rin ang mga mukha nila ay may bakas ng kalituhan. Naging blangko naman ang mukha ni Tiffany na para bang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang mga sinabi ni Papa.

Hindi ko in-expect ang ganu'ng announcement ni Papa. I had an inkling na hindi nga anak nina Tito si Hannah at 'yun ang sasabihin sa amin ni Papa kaya pinatawag niya kaming lahat pero hindi ko naisip na ang mga Lorenzo pala ang tunay niyang mga magulang. Mula kasi nang sabihin ng doktor na hindi si Hannah ang totoong anak nina Tita Helen ay nagsimula na akong kumapit at umasa doon kahit wala itong kasiguraduhan at kahit ayaw ng utak ko.

The library was filled with deafening silence. Hindi na nagsalita pagkatapos si Papa at hinayaan kaming ma-absorb lahat ng sinabi niya. Maging si Mama ay halatang gulat na gulat din at walang kaalam-alam sa mga sinasabi ni Papa. Isang matinis na tunog na dala ng sobrang katahimikan lang ang namayani sa mga tenga ko kasabay ng mabilis na pagtibok ng puso ko.

No one talked even after a couple of minutes. Patuloy lang kaming nagtitigang lahat na para bang tinitimbang ang reaksyon ng bawat isa. I also saw Tiffany clench her trembling fists tightly at the hem of her blouse. Parang hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya.

So, Hannah is really not my cousin. That was a statement coming from my mind. And although I already got the answer about the biggest query running in my head for three days, it still felt so surreal to hear the truth from my father.

Si Papa ang bumasag ng katahimikan naming lahat. Hinarap niya si Mama, pagkatapos ay ako bago siya nagsalita. "Si Tiffany ang totoong pamangkin natin, Lynda at ang pinsan mo, Hanns," he finally spoke.

"Paano nangyari ang mga sinasabi mo, Kuya?" Tita Helen asked in a whisper, I could see that she was shivering a little.

"Do you have a concrete evidence about it, Danilo? Paano mo mapapatunayan ang mga sinabi mo?" Mr. Mario asked calmly and Papa nodded at him.

"Paanong nagkapalit ang mga anak namin nina Helen? Nahawakan ko ang anak ko pagkatapos ko siyang isilang kasi kagaya niya ay normal ang naging delivery ko," Mrs. Zenaida mumbled, disbelief was laced in her voice. She was also griping her hands tightly above her lap.

"Totoong ang tunay na anak mo ang nahawakan mo pakatapos mong manganak, Zenaida pero hindi na siya ang naiuwi ninyo. Sa nursery room nagkapalit ang dalawang sanggol nang ilipat sila doon after silang ipakita sa inyo," Papa said. "Maaaring hindi ninyo napansin na iba na pala ang anak ninyo kasi ayon sa information na ibinigay sa akin ay halos magkapareho ang timbang at laki nina Dennise at Tiffany nang isilang sila. Isa pa, sabay na lumabas ang mga bata, hindi ba?"

"Oo, Kuya. Nandoon ako nang manganak si Helen at sabay ko ngang narinig ang iyak ng mga bata," Tito Dante uttered with a sigh.

"Pero, bakit naman po sa parehong delivery room nanganak ang mga magulang namin?" Tiffany has finally found her voice to speak.

We had the same question in mind. Kahit ako ay nagtatakha din kung bakit sa parehong delivery room nanganak si Tita Helen at Mrs. Zenaida. St. Therese Hospital is a private hospital and it's well-known because it has a complete set of equipment and rooms.

"Kulang pa kasi sa mga delivery rooms ang St. Therese noon kaya kailangang magsama ng dalawa o tatlong mga nanganganak sa isang delivery room. That was eighteen years ago at hindi katulad ngayon, hindi pa gaanong kakumpleto ang St. Therese sa mga kagamitan at rooms noon," pagpapaliwanag naman ni Mama.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon