Chapter 14: Untold Feelings

465 55 0
                                    

It was Friday at abala na kami sa paghahanda para sa pagpunta namin sa resort nina Art pero hindi maipinta ang mukha ni Hannah. Todo 'yung pagkakasimangot niya habang pababa siya ng hagdanan. Naibaba ko na rin sa sala ang lahat ng bag na may laman ng mga dadalhin naming dalawa.

"Wala ka na bang naiwan sa taas?" I asked her pero hindi siya sumagot. Sinalubong ko siya pagkababa niya ng hagdan pero nilagpasan niya lang ako. "Hannah naman, kausapin mo naman ako. Kagabi ka pa ganyan," medyo nafu-frustrate na sabi ko sa kanya. Mula kasi kagabi ay hindi na niya ako kinakausap at inis na inis siya sa akin. "Hannah naman, o-----"

"Ewan ko sa'yo, Hanns," matigas na sabi niya sabay irap sa akin. I sighed.

"Naiinis ka pa rin ba sa akin?" mahinahon na tanong ko ulit sa kanya. I moved towards her but she stepped a foot backward. "Hannah..."

"Huwag ka munang magsalita, Hanns kasi lalo lang akong naiinis sa'yo," nayayamot na sabi niya.

"Ikaw lang naman 'yung inaalala ko eh, huwag ka nang mainis sa akin. Concerned lang naman ako sa'yo."

"Talaga? Concerned ka lang? Oo nga eh, feel na feel ko," pagtataray at sarkastikong sagot niya.

"Ano bang masama sa ginawa ko kagabi? Meron ba? Wala naman, eh," I reasoned. Hindi na siya nagsalita ulit at naupo na lang sa sofa. Bakit ba ang hirap suyuin ng mga babae? I sighed again.

Hinihintay naming dumating sina Art kasi ang sabi nila dadaanan daw nila kami dito kina Hannah although dadalhin ko naman ang kotse ko. Gusto kasi nilang sabay-sabay kaming makarating doon sa resort. Tumawag na si Art sa akin kanina at papunta na raw sila dito.

I sat beside her and she glared at me. I inhaled deeply as I moved closer to her. At ang nakakainis, lumalayo siya sa akin. Ano ba naman 'to? Ako na nga itong nagpapakita ng concern sa kanya, siya pa itong nagagalit. Pero, kahit gusto ko nang magalit sa inaasta niya ay hindi ko magawa. Huwag mong sabayan ang init ng ulo niya, Hanns at lalo lang maaasar 'yan sa'yo. Ikaw din ang kawawa kapag hindi ka kinausap niyan, I reminded myself and expelled a heavy breath for the fourth time. "Sorry na, Hannah," I murmured. "Huwag ka naman ng magalit sa akin, o. Ayoko lang mabastos ka sa resort kaya ko ginawa 'yun," I added and got more frustrated when she said nothing. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng kahit na saglit na tingin. Hindi ko alam kung bakit asar na asar siya sa akin, eh wala naman talagang masama sa ginawa ko kagabi.

I knocked on her door and a smile instantly formed on my lips when she pulled her door open. Pinapasok niya kaagad ako sa loob at kaagad akong naupo sa kama niya. Mula nang magkaayos kami ni Hannah ay masasabi kong bumalik na kami sa dati. Although, nandu'n pa rin naman ang feelings ko para sa kanya kasi hindi na mawawala pa 'yun ay nakukuntento na akong nakakasama ko siya. Hindi na rin namin binuksan ang mga nangyaring pag-amin nitong mga nakaraang araw at masaya ako kasi okay na okay na ulit kaming dalawa. Bumalik na rin ako sa bahay nila at tumatabi na ulit akong matulog sa kanya sa kwarto niya.

"Pasensya ka na at medyo magulo pa sa loob ng kwarto ko," nakangiti ngunit nahihiyang sabi niya habang papalapit siya sa akin.

"Hindi ka pa tapos mag-impake?" I asked seeing the clothes and bags on her bed.

"Mag-impake talaga?" She laughed. "Para namang isang taon akong hindi uuwi. One week lang naman tayo sa resort. Hindi pa, eh."

"Tulungan na kita," I offered.

"Ikaw ba tapos ka ng mag-ayos ng mga damit na dadalhin mo?"

"Oo, kaninang umaga pa," I retorted smiling and she looked at me.

"Hindi ka naman excited, 'no?" she teased and I grinned at her.

"Excited ako pero hindi sa outing. Excited ako kasi nandoon ka rin," sagot ko. Nakita kong napangiti rin siya. "Uy, kinikilig," tukso ko sa kanya at bigla siyang sumimangot. "Kinikilig ka, Hannah?"

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon