Chapter 20: Falling Deeper

368 56 0
                                    

It was Sunday afternoon at nasa swimming pool kaming magbabarkada. Ala-una na ng hapon pero medyo makulimlim at parang uulan kahit na kalagitnaan ng summer season kaya hindi na kami nagdalawang-isip na magbabad sa pool kasi bihira ang ganitong panahon tuwing tag-init, walang araw at mahangin.

"Hanns, wala bang balak 'yang pinsan mong bumaba dito?" tanong sa akin ni Bettina at sabay kaming humarap kay Hannah na nakaupo lang sa may gilid ng pool at nakababad ang mga paa sa tubig. "Anong drama niya today? Forever lang siya du'n sa taas at hindi siya magbababad dito?" she added and I just pasted a forced smile on my face.

Hindi ko alam kung anong meron sa girlfriend ko pero mula nu'ng paggising namin kanina ay parang naiilang siya sa akin. Hindi niya ako masyadong kinakausap pero hindi rin naman niya ako sinusungitan. Hindi rin naman malamig 'yung pakikitungo niya sa akin pero nararamdaman kong may kakaiba sa kanya.

Tinanong ko naman siya kaninang bago kami pumunta dito sa may swimming pool kung may problema ba kaming dalawa o kung ano pero ang sagot niya lang sa akin ay hindi raw maganda ang gising niya kaya wala siya sa mood. Kahit alam kong hindi naman talaga 'yun ang dahilan ay hindi na ako nag-usisa pa dahil baka tuluyan siyang mainis sa akin at awayin pa niya ako. Ayaw na ayaw ko pa naman na nagkakaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kasi hindi talaga ako napapanatag kapag nagtatampo o galit siya sa akin.

I looked worriedly at her from afar. I sighed and shook my thoughts aside. "Baka naman meron si Den ngayon kaya ayaw niyang magbabad sa tubig," biglang singit ni Dale at binatukan ko ang loko.

"Gago!" I hissed and he laughed loudly. Sinamaan ko siya lalo ng tingin. Kung hindi lang talaga kita kaibigan ay sinuntok na kita.

"Conclusion ko lang naman 'yun kasi hindi ba kanina pa walang imik si Denisse tapos ayaw pa niyang mag-swimming ngayon," natatawang depensa pa niya. "Easy ka lang d'yan, dude. Masyado ka namang protective pagdating d'yan sa pinsan mo," he added with a playful smile on his face.

"Ikaw naman kasi, Dale alam mo namang ayaw na ayaw ni Hanns na nababastos ang pinsan niya ay kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi mo d'yan."

"Biro lang naman 'yun eh, Art."

"Kahit na. Hindo tamang nagbibiro ka ng ganyan tungkol sa buwanang dalaw ng mga babae. That's private thing," Art insisted.

"O, tama na 'yan at baka mag-away pa kayong dalawa," awat sa kanila ni Nathan.

"Paano naman niyan mag-eenjoy si Den kung nandu'n lang siya sa isang tabi?" Althea queried. "Wala akong nakikitang ka-enjoy-enjoy sa pag-upo at panonood sa mga taong nagtatampisaw sa pool."

"Nag-away ba kayong dalawa, Hanns?" Nathan asked and I quickly shook my head.

"Hindi," I replied. "Hindi raw maganda ang gising niya." I sighed again. Alam ko naman kasing hindi naman talaga 'yun ang dahilan. May iba pang rason kung bakit napakatahimik niya pero hindi ko alam kung ano 'yun.

Nasa may isang side kami ng pool samantalang si Hannah ay nasa kabilang dulo katapat namin. Nakatingin siya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. Ayoko naman sanang umalis sa tabi niya at mas gugustuhin ko pang tabihan ko siya sa pag-upo doon kaso ang sabi niya sa akin ay samahan ko na raw muna ang mga kaibigan namin.

"Puntahan ko lang siya saglit," I told our friends who nodded their heads. I swam towards where my girlfriend was seated.

She smiled when she saw me in front of her. "Bakit?" she asked and I looked up at her. I smiled back as I moved closer to her. Medyo umatras siya nang ilapit ko ang katawan ko sa kanya pero hinapit ko siya papalapit sa akin.

I looked her straight in the eyes and sighed. "What is it, Hannah?" I queried before I guided her legs to wrap around my upper body. "What has been bothering you? Ano 'yun? Can you tell me what are you thinking since this morning?" I asked gently as I wrapped my arms around her waist and leaned towards her. "Anong problema?"

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon