Chapter 41: Games of Fate

283 50 0
                                    

Chapters 41 to 50 - Hannah

Masarap ang magmahal. Lalo na kung mahal ka rin ng taong minamahal mo. Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na inaalagaan at iniingatan ka niya. Wala nang mas hihigit pa kapag ramdam na ramdam mo ang pagmamahal niya para sa'yo. Hindi mapapalitan ng kahit na ano mang bagay ang tuwa at saya sa puso mo sa piling niya.

Pero nalaman ko rin na habang lumalalim ang pagmamahal mo para sa kanya, doon din mas lalo kang masasaktan. Masasaktan ka kasi kasama na iyon sa pagmamahal. Masasaktan ka hindi lang para sa sarili mo kung hindi mas masasaktan ka kapag nakikita mong nahihirapan at nasasaktan na rin ang taong mahal mo nang dahil sa relasyon ninyo.

Kasi kapag nagmahal ka, makakalimutan mo na ang sarili mo. Kasi kapag nakaramdam ka na ng tunay na pag-ibig, wala ka ng ibang iisipin pa kung hindi ang kapakanan at nararamdaman ng taong mahal mo. You feel his pain more than he does. Doble ang dulot na kirot sa puso mo nang dahil sa paghihirap niya. Kasi kapag nagmahal ka, you becone selfless. Kapag nagmahal ka, itutuon mo ang lahat ng oras, atensyon at ibubuhos mo ang lahat ng emosyong hindi mo inakalang mararamdaman mo para sa kanya.

Madami kang matututunan sa pagmamahal. Maraming liksyon ang maibibigay nito sa'yo. Magiging mas matapang ka, ma-abilidad at hindi mo namamalayan na wala ka na palang itinitira para sa sarili mo. But the greatest thing love can teach you? Matututuhan mong pakawalan ang taong mahal na mahal mo dahil 'yun ang inaakala mong makakabuti para sa kanya. Kahit na ikamatay mo pa ang sobrang sakit. Kahit pa alam mo sa sarili mo na hindi mo na kayang ipagpatuloy ang buhay nang wala siya.

All people become a martyr of love in their own ways. Kung ang iba ay kayang magpakatanga kahit na wala na silang kakapitan pa, meron din namang kayang magpalaya ng puso kahit na nasasaktan sila nang sobra-sobra. 'Yun ang isang bagay na pinakatumatak sa isip ko.

Mahal na mahal ko si Hanns. Totoo 'yun. Hindi nabawasan ni katiting man lang ang pagmamahal ko para sa kanya despite what happened. But I couldn't stand anymore to see him hurt because of our relationship. Hindi ko na kayang makita siyang nahihirapan ng dahil sa akin. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko na kayang makitang masaktan at mahirapan pa siya ng dahil sa akin. Idagdag pa ang pagkawala ng anak namin na sobrang ikinalungkot ko.

Ayaw ko na. Hindi ko na kaya. Papakawalan ko siya dahil 'yun ang alam kong tama. I want to spare him from all the heartaches that I might inflict to him if ever I would still come back in his arms. Hindi ko na kayang mahirapan pa siya nang dahil sa akin, hindi ko na kayang makita pa ang mga luha niya, hindi ko na kayang makita ang pagod sa mga mata niya dahil sa paglaban para sa akin. Masyadong masakit ang ganoong tanawin para sa akin. Lalong nagpapalalim ng sugat dito sa puso ko.

It was hard for me to repeatedly reject him. It was hard for me to ignore him. And it was hard for me to pretend that I do not love him anymore. Pero kailangan kong gawin. Kasi kung babalik pa ako sa kanya, mas masasaktan lang siya sa mga pwede pang mangyari sa relasyon namin at hindi ko na kakayaning makita pa 'yun.

Pero, nakakapagod din pala ang magpanggap. Darating ka sa point na mapapatanong ka na lang sa sarili mo kung hanggang kailan mo kayang panindigan ang mga desisyon mo. Maguguluhan ka sa nagiging takbo ng sarili mong pag-iisip. Mapapatanong kung tama pa ba talaga ang mga ginagawa mo o pinapaniwala mo na lang ang sarili mo na 'yun ang tama.

Ayaw na ayaw kong hiwalayan si Hanns pero ginawa ko pa rin. At parang paulit-ulit na hinihiwa ang puso ko kapag naririnig ko sa utak ko ang mga pagsusumamo at pagmamakaawa niya sa akin no'ng gabing iyon para huwag ko lang siyang iwan. Nakakapanghina. Nakakapanlumo. That was the hardest decision I ever made in my entire life. He even fell on his knees in begging but I refused to hear his pleas. That broke my heart even more but I couldn't do anything in our situation.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon