Chapter 33: Painful Truth

356 53 0
                                    

"Hannah, kumapit ka lang. Please." My shoulders shook as I cried harder. Halos hindi ko na maaninag ang tinatakbo namin dahil sa mga luhang walang tigil sa pag-agos mula sa aking mga mata. Sobrang naninikip pa ang dibdib ko.

I sniffed as my sobs were freely escaping out of my mouth. "Huwag mo akong iiwanan, hindi ka pwedeng mawala. Please. Kumapit ka, hindi ko kaya kung mawawala ka sa akin, Hannah." I continued to cry as I tightened my grip on the metal edge of the bed where she was lying.

Napapalingon na sa amin ang mga nadadaanan namin dahil sa mga hikbi ko.

Nasa ospital kami at itinatakbo na namin siya kasama ng mga nurses sa emergency room pero 'yung kaba at takot na naramdaman ko kaninang makita kong bumangga ang taxi na sinasakyan niya sa isa pang sasakyan ay hindi pa rin humuhupa. God, I was so afraid that I couldn't shake the picture off my head.

Malakas ang naiwang impact sa akin ng nangyari. Lalo na't sa mismong harapan ko ito nangyari at paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ito.

Nayanig ako sa sobrang takot at kaba dahil doon. Lalo na nang makita kong duguan si Hannah. Literal na nanginig ang buong katawan ko. Mabuti na lamang at malapit lang sa ospital ang pinangyarihan ng aksidente at maraming motorista ang tumulong para mailabas silang dalawa ng driver ng taxi sa sasakyan nang maaga kasi kung medyo natagalan pa bago sila nailabas ay kasama sila sa sumabog na taxi. Sobra 'yung pasasalamat ko sa kanila. The ambulance arrived a few minutes after.

Mataman kong tinitingnan si Hannah habang mabilis kaming tumatakbo papuntang emergency room. She was not moving at lalo akong kinakabahan sa nakikita ko sa kanya. Paulit-ulit na pinipiga ang puso ko pero wala na akong maramdaman. Marahil ay namanhid na ito sa sobrang sakit.

She looked so fragile. She looked so vulnerable. At habang tinititigan ko siya ay lalong bumibilis ang pagpatak ng mga luha ko. I couldn't lose her, I couldn't lose my life. No way. Hindi pwede kasi kung mawawala siya ay mawawalan na rin ng saysay ang buhay ko.

I was totally shaken. Hindi ako sanay na makita si Hannah na parang wala nang buhay at ayokong makita na ganu'n ang kalagayan niya. Bakit sa kanya pa nangyari ito? Bakit hindi na lang sa akin? Mas gugustuhin ko pang ako ang mag-agaw buhay kesa siya. Mas gugustuhin ko pang ako ang mapahamak kesa siya.

"Hannah, hold on. Just hold on. Please. For me. Please." I sobbed. "Kapit ka lang, Yam." I wept as I held her hand which was also bloodied and brought it to my lips.

Sobrang duguan siya na hindi ko na kayang tumingin pa sa kanya. Patuloy lang ang pag-agos palabas ng dugo mula sa katawan niya lalo na sa may bandang hita na niya at hindi ko alam kung saan 'yun nagmumula.

"Huwag mo akong iiwanan. Ipinangako mo 'yun sa akin. Please, Yam. I am holding on to your promises kahit pa anong sabihin mo. Huwag mo akong iwanan," I whispered as I felt my heart constrict painfully inside my chest.

Hindi ko ma-imagine ang buhay ko ng wala siya. It would definitely be different. It would definitely be a mess. I would be lost without her. I would be nothing. I was so scared at the thought that she wouldn't be able to make it. I was so frightened at the idea that she wouldn't be able to survive the accident. And I was never been this terrified in my whole life like this before.

"You can make it, Yam. Alam kong kaya mo ito kasi malakas ka. Huwag kang bibitaw," I whispered kissing her on the forehead.

Naririnig kong parang may sinasabi ang mga nurse sa akin pero ang lahat ng atenayon ko ay na kay Hannah kaya hindi ko rin sila maintindihan. "Kaya mo ito. You're such a strong woman," I continued to whisper.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo pwedeng sumama," one of the nurses told me when we reached the door of the emergency room. "Hindi ka na po pwede sa loob."

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon