Chapter 26: Sweet Surrender

545 54 0
                                    

He stared at me -- long and hard. Nakita ko ang pagkislap ng mga mata niya dahil sa sinabi ko pero napansin ko rin na parang may hino-hold back siya. He smiled fondly at me before he rolled onto his back.

"Dito ka, Yam." He turned sideways at me and gathered me in his arms. He smoothed my bangs off my face before kissing me tenderly on the forehead. Napapikit ako nang dahil sa halik na ginawa niya. Niyakap ko siya pabalik at isinubsob ko ang mukha ko sa napakabango niyang dibdib. "Mahal na mahal kita," he whispered at the top of my head.

Parang ngayon lang ako natauhan sa sinabi ko sa kanya. I felt my whole face turn hot with embarrassment. Nahihiya ako sa sinabi ko pero pakiramdam ko ay handa naman na talaga ako sa bagay na 'yun.

I knew masyadong mabilis ang takbo ng relationship namin ni Hanns, kasing bilis ng takbo ng mga pangyayari. But I also knew in myself that it's with him that I wanted to give my everything. It's with him, and only with him, that I wanted to give myself. Ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Siguradong sigurado ako sa bagay na 'yun at alam kong wala akong pagsisisihan basta para sa kanya.

Natahimik kaming dalawa. Naramdaman kong nilaro niya ang buhok ko gamit ang mga daliri niya bago siya nagbuntong-hininga. "Gusto mo na ba talaga?" biglang tanong niya sa gitna ng aming katahimikan. His voice was very soft and calming. "Don't get me wrong, Yam. Hindi mo lang alam kung anong pagpipigil ang ginagawa ko sa sarili ko sa tuwing nagiging intimate tayo. Araw-araw akong nahihirapan para lang hindi ako mapasubo sa'yo kasi parang ayaw na kitang tigilan. Hindi ako nagrereklamo ha, Yam. Kuntento ako sa kung ano mang meron tayo pero hindi naman ako magsisinungaling sa'yo na hindi ko hinangad ang bagay na 'yun with you. I don't want you to feel pressured. Makakapaghintay ako, Yam. Yes, I admit that I am thinking about it with you too pero kasi..." he trailed off.

"Pero kasi ano?" I queried.

"Handa ka na ba? Handa na ba tayo?" puno ng pag-aalalang tanong niya. "Hindi ba masyado pa tayong bata? Lalo ka na. Baka hindi natin kayanin ang responsibilidad ng gagawin natin. Isa pa, gusto kong magtapos ka muna sa pag-aaral mo."

Tumango ako sa sinabi niya. "I understand," I answered.

"I want to do it with you. At sa'yo lang. Ikaw lang ang gusto kong makasama pagdating sa lahat ng bagay."

"Dapat talaga ako lang. Naku, lagot ka talaga sa akin, Hanns kapag kumalantari ka ng iba!" I joshed and he laughed softly.

"Ano ka ba naman, Yam mahal na mahal kita tapos naiisip mo pa rin na gagawin ko ang bagay na 'yun? Hindi ko nakikita ang sarili ko kasama ng ibang babae. Ikaw lang. Sa'yo lang," he said. "Sa totoo niyan, natatakot nga ako, eh."

Kumunot ang noo ko. Ipinatong ko ang baba ko sa dibdib niya at nag-angat ako ng tingin para maayos ko siyang matingnan. "Saan ka naman natatakot?"

"Sa mismong act," he confided and I looked at him in bafflement.

"Bakit ka naman daw natatakot? First time mo?" I kidded and he blushed before nodded his head.

"Oo naman," he replied and I snuggled against his chest. I know that he's a virgin. Sa sobrang open namin ni Hanns sa isa't isa mula mga bata pa kami ay kahit kaliit-liitang detalye ng buhay namin ay alam ng isa't isa. Oo, maraming babaeng lumalapit-lapit sa kanya pero ni isa sa mga iyon ay wala siyang pinansin. Pero iba pa rin ang sayang naramdaman ko dahil sa narinig ko sa kanya ngayon. "You are my first in everything, Yam. At mas natatakot ako because I know that we are both inexperience," he continued.

"Mas gusto kong pareho tayong inexperience kesa sa mag-experiment ka sa iba," pagbibiro ko ulit sa kanta at tumawa siya nang mahina. Alam ko sa sarili ko na hinding hindi niya magagawa ang mga sinasabi ko.

The Sweetest Scheme of Fate (Defying Fate Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon