Author's Note: 2016 pa ang last update ko nito. Nawalan ako ng gana nang mareformat yung memory card ko at nabura lahat ng sinulat ko. Sobra akong nasaktan kaya ang tinutukan ko 'yung isang story ko na "Our Differences Doesn't Matter". 2019 na sobrang tagal ko nang itong isinantabi. Panahon na, kahit na back to zero, kahit na hindi ko na matandaan kung anong dapat sanang mangyari, I'm doing this my way #2019.
Let's get down to business and finish this story.
-Luserina's POV-
Nagtungo kami ni Emil sa kinaroroonan nina Minerva at Milichelo. Naroon rin si Ximena."Milichelo paano mo nakuha ang cellphone ni Sara? Hindi ba't may CCTV 'yung cafe ng school? Pwede lang itong tignan ni Sara." Tanong ni Emil.
"Oo, kakagaling lang ni Layla noon sa kendo training niya nang imbitahin ko siya na magkape. Eksaktong noong nagtext si Layla na malapit na siya, napansin kong naiwan ni Sara na nakabukas 'yung bag niya lutang na lutang ang cellphone niya. Agad kong tinext si Layla na dalian niya at pagdating niya, agad niyang kunin ang cellphone na nasa bag na nakabukas at agad na tumakbo. Heto ang patunay na nagtagumpay ang plano," Milichelo said to us while proudly showing Sara's cellphone.
"Ang galing mo palang strategist Milichelo!"
"Ngayon naman ipapaliwanag ko sa inyo ang gagawin ninyo mamaya."
"Teka Milichelo, papaano mo ba siya nakilala?"
"Kamakailan sa dinaraanan kong ruta pauwi may isang babaeng mala-fortune teller ang dating ang dinudumog ng mga tao. Narinig ko mula sa mga taong nag-uusap na nagbibigay siya ng libreng payo tungkol sa pag-ibig."
"Minsan napatigil ako sa paglalakad at pinanood siyang magbigay payo sa mga lumapit sa kanya hanggang sa oras na nagsara siya. Nang magligpit siya ng gamit niya aalis na sana ako."
-Flashback-
"Mabuti pa't aminin mo na ang itinatago mong lihim sa kanya nang masamahan mo ito ng eksplanasyon na magiging susi para maunawaan niya kaysa sa malaman niya pa ito sa iba at isara niya ang tengga at puso niya para sa eksplanasyon mong nahuli na." Nagulat ako nang magsalita siya wala naman siyang kausap na tao. Ngunit ang sinabi niya tugmang-tugma sa situwasyon ko sa buhay pag-ibig ko.Tumingin siya sa akin.
"Iyon ang payong hindi mo kayang sabihin sa sarili mo dahil gusto mong iba ang magsabi sa'yo nito. Tama ba ako?""Papaano mo nalaman?!"
"Kaya ka napatigil sa paglalakad at nagpasyang manood habang nagbibigay ako ng payo ay dahil umaasa kang mayroong tao na nasa parehong situwasyon tulad mo hindi ba?"
Hindi ko maitatanggi na lahat ng sinabi niya ay tama.
"Magaling kang magpayo sa iba ngunit pagdating sa iyong sarili nahihirapan ka. Natulungan ba kita?"
"You might just be guessing!"
"Mukha ba akong peke sa'yo? Nakita mo naman siguro ang mga tao kanina? Pinasalamatan nila ako sapagkat tama ang mga payong sinabi ko."
"Maybe luck is just on your side." Sabi ko sa kanya saka naglakad papalayo.
"Hindi ba Benjamin Milichelo Fajardo?"
Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya ang buong pangalan ko. Nagulat ako noon at nalaman niya ang pangalan ko kahit na hindi ko suot ang ID ko."Kaya mo rin pong magbigay solusyon sa ibang situwasyon sa pag-ibig?"
"Oo naman."
"Paano kung nagayuma 'yung tao kaya mo rin po?"
"Oo pero kailangang sa bahay ko natin pagusapan ang bagay na ito."
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...