LXIII: Fate

43 2 0
                                    

~Rainier's POV~
Papauwi na ako sakay ng tren nang napansin kong umiiyak 'yung lolo na katabi ko.

"Lolo bakit po? Anong problema?"

"May gusto kasi akong puntahan pero madali akong maligaw dala ng katandaan."

Naawa ako kay Lolo kaya naman inalok kong samahan siya sa kanyang pupuntahan.

Noong una tinanggihan niya ang alok ko dahil inisip niyang makakaabala lamang siya sa akin pero nagpumilit ako.

"Naku! Maraming salamat iho! Tatanawin kong utang na loob sa'yo ito."

"Kahit huwag na po, ang mahalaga natulungan ko kayo. Bakit nga po pala gustong-gusto niyo pumunta sa lugar na iyon?"

"Nangako kami na magkikita sa aming tagpuan. Ngayon ang aming anibersaryo kaya nagbabakasakali akong pumunta siya roon. Gusto kong malaman niya na buhay pa ako."

"Anong lugar po ba iyon?"

"Isang tagung lugar malapit sa lawa at bukirin ng bulaklak. Ang palatandaan namin ay isang cedar na may anino na tila isang hayop."

Bukirin ng bulaklak? Hindi kaya ang Field of Verlasse ang tinutukoy niya? Ngunit sabi niya isang cedar na may anino na tila isang hayop. Walang cedar sa Field of Verlasse. Nangangahulugan lang ito na hindi rito ang lugar. Isa pa, tagung lugar ito at mahirap hanapin kung dito lang 'yon, maraming makapagtuturo.

Doon ko naalala noong bata ako at nanirahan ako sa gubat kasama ng mga kaibigan ko. May natagpuan kaming flower field at doon madalas pumipitas ng bulaklak si Imelda. Pangarap niya ngang makapagtayo ng flower shop noon eh!

Sa lawa naman, fish pond lang ang natatandaan- syempre bata kami! Iisipin naming fish pond 'yon pero talagang lawa 'yon!

"Lolo! May ideya na ako kung saan 'yung lugar na 'yon!" sabik na sabik kong sinabi kay Lolo.

Inalalalayan ko si Lolo Ambrosio dahil mahaba-haba ang lalakarin namin. Balewala naman sa kanya raw ang pagod kung ang kapalit ay makita niya muli ang kanyang minamahal. Humanga ako sa dedikasyon niya sapagkat hindi biro maghintay ng ilang taon at binabalewala niya ang hirap na daranasin niya makita lang ang mahal niya.

There are tons of flowers and there's a small lake but the cedar plant... It's been years so maybe it has grown into a tree. But atleast the flower field and lake is present.

Naghanap kami ng naghanap hanggang sa nagtakipsilim na.

"Iho, mukhang malabo nang mahanap natin ang lugar na 'yon."

"Masyado pang maaga para po sumuko. Hindi pa ho gabi, marami pang oras para mahanap 'yon."

Ganito nalang ako kadeterminadong hanapin yung lugar dahil sobrang saya ni lolo habang kanyang nilalarawan ang lugar. Nakatitiyak akong gusto niya ulit itong mapuntahan dahil may alaala siyang gustong balikan.

Ngunit hindi pabor sa amin ang tadhana, wala kaming nakita kaya sumuko na kaming dalawa dahil nagdidilim na rin.

Eksaktong nung tinatahak namin ang landas pabalik, may napansin ako. Ang ganda naman! Cedar na may anino na parang kabayo.

Teka, a cedar with a horse shaped shadow?!

"Lolo tignan niyo po yung anino ng puno!" sabi ko sa kanya sabay tinuro 'yung puno. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat.

Napaiyak ang luha ni Lolo nang makita ang matandang babae.

Sobrang saya niya nang malamang narito rin ang minamahal niya.

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon