~Sarasienne~
Bumalik ako sa bahay namin. I never felt so confused all my life.
Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko nang may nasipa akong matigas na bagay. Napatingin ako sa carpet. 'Yung crystal ko...
Teka, kung narito ang crystal half ko, ibig sabihin natagpuan na ang pinagtaguan namin nito? Sino? Si Stefania lang naman ang narito.
Pakialamera talaga ang babaeng 'yon! Pati ba naman ito inungkat?! Agad akong nagpunta sa Field of Verlasse. Hinanap ko ang parte kung saan may tatlong bato na palatandaan kung saan namin ibinaon ang magkahating crystal upang ibalik ito roon.
Binuksan ko yung lata at ikinagulat ko ang nakita ko. Ito 'yung half ni Lucas, at may papel. Mukhang napaglumaan na 'to ng panahon dahil ang tinta ng ballpen ay kumupas na. Nang buksan ko ang nakatuping liham agad kong nakilala kung kaninong sulat-kamay ito.
Sara,
Kung nabasa mo ito ibig sabihin nagtiwala ka sa sinabi ko noon. Alam kong hinukay mo ito dahil naniniwala kang makakasama muli tayo. Ganun din ako.
Kinabukasan ang alis ko papuntang Paris, France. Hindi ko masabi sa'yo dahil pinakiusapan kami ng Boss ng magulang ko na huwag sabihin kaninuman ang tungkol sa aming pag-alis. Gustuhin ko mang sabihin sa'yo, kinailangan ko ring respetuhin ang hiling ng ibang tao.
Kinuha ko ang kalahati mo imbes na sa akin. Sapagkat naniniwala akong magkakasama ulit tayo. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa akin sa Paris. Kung hindi man ako pabalikin, hinding-hindi ako titigil sa paghahanap ng paraan para makabalik sa'yo.
Mahal na mahal kita.
Lucas
Basang-basa ang pisngi ko ng luha. One of the painful things in life is reading a message intended to be read a long time ago in the past.
Kung nagtiwala lang ako kay Lucas noon hindi sana nagkaganito lahat ngayon... Ngunit saan ako magtitiwala? Sa nakaraan o sa kasalukuyan?
Pinunasan ko ang mga luha ko. Kakausapin ko siya ng huling beses. Pupuntahan ko siya mismo sa Paris.
Kung tama ang pagkakaalala ko sa apilyedo ni Christelle, Montagne...
"Teleport me to the mansion of the Montagne Spellodius Teleportanius!"
Sa hardin ng mansion nila ako dinala ng kapangyarihan ko.
"Un intrus!" [An intruder!] Biglang narinig ko. Mukhang nakita ako ng rumorondang guard.!
Bago pa man ako makatakbo, nahawakan na ako nung guard. Hindi ko maunawaan ang sinasabi niya dahil French ito pero sigurado akong pinaparatangan niya ako ng magnanakaw. Mabuti na rin ito nang iharap niya ako kay Lucas.
"Wait! I'm just looking for Claude Lucas Fontanilla."
Tila walang narinig 'yung guard at kinaladkad ako papasok ng mansion. Pasalamat siya nagtimpi ako kung hindi gagawin ko siyang safeguard na sabon!
"Mademoiselle Christelle!" sinigaw niya. Bakit pa sa babaeng 'yon ako ihahanarap 'di palang kay Lucas?
Lumabas naman sa isang kwarto si Christelle.
"J'ai trouvé cette personne suspecte au jardin. Je ne sais pas comment elle est entrée, mais est-ce que vous connaissez sa Mademoiselle?" [I found this suspicious person in the garden. I do not know how she came in, but do you know her Mademoiselle?]
Christelle nodded acknowledging whatever the guard said to her. Binitiwan din ako sa wakas. Ang hipit ng pagkakahawak niya sa braso ko!
Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa,
"Where is Lucas?"
"Lucas, went back to the Philippines."
Nagulat ako nang sabihin niya 'yon. Kung ganun totoo 'yung mga sinabi niya?!
"He was supposed to leave after he graduated but when he heard you're getting married, he didn't wait no longer. He went missing last night. I guess he found a way to go back to the Philippines."
"Merci Christelle." Pagpapasalamat ko sa kanya. Hindi man ako nakakaintindi ng French, natuto naman ako ng mga basic words.
"Sara wait!" pagpipigil sa akin ni Christelle.
"I... I want to apologize."
"For what?"
"I underestimated his one true love and that's you."
Nagteleport ako pabalik ng Field of Verlasse napaupo ako at nanghina. I don't know what to believe anymore.
May paraan pa, isang spell na makakapaglinaw sa lahat dahil ipinapakita nito ang nakaraan ng sino man.
"Spellodiux Eventiarius! Ipakita sa akin ang nakaraan ni Lucas mula noong sandaling magkakilala kami!"
***
I called Rainier to come here. Because he loves me he came as fast as he could.Upon sensing his arrival, I spoke.
"Rainier, hindi mo ako mahal.""Sinong nagsabi? Sara mahal na mahal kita!"
Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Rainier mahal na mahal din kita."
Dumaan ang hangin sa pagitan namin.
"Ngunit hindi ako tunay mong mahal."
Rainier's expression became confused.
"Anong ibig mong sabihin?"
Naglakad ako papalapit sa kanya.
"Rainier... You've opened my eyes in the truth. Just as you love Luserina there is also someone who loves me the same."
"Anong pinagsasabi mo, Sara?! Ikaw lang ang mahal ko!"
He kissed me passionately to prove that but I know very well this is all the effects of the potion. I stopped him.
"B-Bakit mo ako pinagdududahan, Sara? Ayaw mo na ba sa akin?"
"Pinagtagpo tayo ng landas pero 'di tayo ang itinadhana para sa isa't-isa."
Umagos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. I embraced him tightly.
"Malaking pasasalamat ko pa rin na kahit sapilitan lamang naranasan ko kung papaano magmahal ang isang Rainier Geoffrey Alcantara."
The moment I said that, itinurok ko na sa kanya ang antidote dahilan para nawalan si Rainier ng malay. I laid him gently on the tree where we first met. This is also the place where I will bury my feelings for him.
I've gone too far... I let my weaknesses overpower me resulting in this dark present which my decisions have created... I've ignored the ones who cared for me the most in this world and most of all you who placed those people in my life to remind me that I am never alone that my existence isn't worthless... I know what I must do, I have to set things right. Even if it costs me my life.
~End of Chapter~
![](https://img.wattpad.com/cover/13746631-288-k227620.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasíaBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...