LXXVII: The change

116 1 0
                                    

-Sisera-
Maraming nagbago mula nang magbalik kami sa nakaraan. The time period where we came back was before Sara departed for Austria.

"Ako si Claudia Fariamier, ang kasalukuyang Potion Sorceress ay magreretiro na," inanunsyo ni Mommy Claudia sa kanyang biglaang pagpupulong.

Ikinagulat ng lahat ang desisyon niyang 'yon. Hindi nila inasahan.

"Ibig sabihin kailangan na nating simulan ang patimpalak!" wika ng isa sa kasapi ng konseho.

"Hindi na kailangan niyan," pagtutol ni Claudia.

"Ipinapasa ko ang— hindi, ibinibigay ko ang korona at titulo sa dapat nagmamayari nito. Kung matatandaan ninyo, pangalawa lamang ako sa patimpalak noon."

Bago pa man maitanong ng kasapi ng konseho. Ipinakilala ni Mommy ang papalit sa kanya.

"Mga kapwa kong sorcerer ang nagligtas sa atin mula pagsalakay ng mga Eclissians, ang nanalo sa patimpalak at ang kapatid ko si Cornelia Fariamier."

Pagkalabas si Aling Cornelia umupo siya sa trono ng Potion Sorceress at ipinutong ni Mommy Claudia ang korona sa kanya.

Pagkatapos ng seremonya, lumapit ako kay Andriette. Inalok ko ang sarili ko bilang tagapayo niya.

Wala na akong nakikitang silbi sa pamamalagi sa mundo ng mga mortal. Mas nanaisin ko nalang manirahan sa tunay kong tahanan, ang Arcanethia at tumulong kay Andriette sa kanyang pamumuno. Kinakailangan niya ng mata sa hinaharap.

Malugod naman niyang tinanggap ang aking alok na serbisyo.

Dinala namin si Aling Cornelia kay Mama Sandrine. Ito rin pala ang isang rason kaya ipinasa niya ang titulo, mas malakas si Aling Cornelia. Nakaya niyang pagalingin si Mama Sandrine mula sa kanyang kalagyan. Muli siyang nagkamalay at masaya kami na makapiling siya muli.

Nagpaalam na ako sa Elegance at sinabing tutulak na ako sa ibang bansa. Pero ang totoo, ibang mundo. Nangako akong magkikita pa rin kami. Napalapit na sila sa akin. Sila ang isang reason kung bakit ako bibisita paminsan-minsan sa mundo ng mga mortal.

-Luserina-
Ito na ang huling pagpupulong namin sa Heartgold University. Maghihiwalay na kami ng landas dahil tapos na kami sa kolehiyo. We held a confession wherein we'll confess our secrets.

"Aaminin ko sa harapan ng lahat ng tao na naging bakla ako. Nang mag-enroll ako rito sa Heartgold University muli kong nakasalamuha si Alenia at doon ko napagtanto ang buhay ko ay naging isang malaking kasinungalingan nang maging bakla ako. Dahil gusto kong takasan ang katotohanang 'di ko matanggap. Na dahil sa pagiging duwag ko noon, nakaroon ng ibang mahal si Alenia. Isinisi ko pa sa mga babae dahil gusto nilang agad magtapat ang mga lalake sa kanila kundi patawarin niyo ako sa hindi patas na pananaw kong ito noon."

Hindi ako nagpakalalake ngayon lamang. Noon pa nang magkrus muli ang landas namin ni Alenia."

"Hindi pa ako nagtatapat hindi dahil bakla pa rin ako, kundi dahil may boyfriend ka Alenia. Kinailangang respetuhin ko 'yon kahit pa gustong-gusto kong ilayo ka sa manlolokong 'yon."

"Hindi siya ang manloloko Milichelo ako," wika ni Alenia.

"Akala ko manhid ka. Ginawa ko ang lahat para mapaibig ka. Kung sana natuto akong maghintay hanggang sa araw na kaya mo nang umamin hindi ka na sana pa nawala sa landas. If I only understood how hard it is to tell the person you love that you love her then things would've not turn out like this."

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon