XL: The root cause

715 72 27
                                    

May farewell ball na gaganapin ngayong hapon malapit na kasi ang graduation. Buong student body ng college department ay required na mag-attend ang sinumang 'di mag-attend, may consequence na haharapin. Natakot ako na baka ipalinis sa 'min ang buong grandstand ang laki pa naman nun, kaya nag-attend nalang ako. Parang prom lang ang program na 'to nakasuot kami ng formal attires at lahat ng babae ay walang ibang gagawin kundi maupo lang sa kanilang kinauupuan at hintayin na may lalakeng lumapit sa kanila't yayain silang sumayaw. Ang mga mata ko nakatingin lang kay Rainier pero paulit-ulit niya akong nahuhuli na nakatingin sa kanya kaya hindi ko na nagawa pa siyang tignan matapos nun.

Nang ibinigay na ng dean ang hudyat na pwede na kaming isayaw ng mga lalake, lumapit na sa mga table namin ang mga lalake. Doon ko palang nagawang tignan si Rainier. Sino pa ba ang lalapitan niya para isayaw? Edi ang kanyang girlfriend malamang. It hurts seeing him dancing with Luserina. It hurts watching them so close to each other and smiling happily. Rainier then caught a glimpse of me looking at them. After they danced, linapitan ako ni Rainier at niyayang sumayaw. He offered his hand but instead of accepting I stood up and walked away.

I was holding back my tears the entire time but some managed to slip out of my hold. I couldn't take this much further. I went out of the ballroom and went to the garden's willow tree wherein no one is there and I could be alone.

Napasandal ako sa puno at doon ibinuhos ang kanina ko pa kinikimkim na sama ng loob. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa may narinig akong nagsalita mula sa kanang bahagi ko.

"Hinahayaan mo nalang siyang mapunta sa iba lalo na't nagmamahalan kayo? Sayang ang pag-iibigan ninyo 'no? Nauwi lang sa wala ang lahat."

Aking liningon naman yung taong iyon.

"Aling Armelle?!" gulat kong sinabi. Anong ginagawa niya dito? Is it possible that she's here to again encourage me to use a love potion?

Lumapit siya sa akin pero umiwas ako at naglakad papalayo.

"Kung yayayain mo nanaman akong gumamit ng Enchanter Potion pangungunahan na kita, kahit anong gawin mo hindi ako papayag." sinabi ko sa kanya.

Pero may sinabi siya na nagpatigil sa akin sa paglalakad.

"You thought you've already completed the puzzle eh? Well I have to tell you this, you are greatly mistaken you're missing one puzzle piece, the most important piece of all, the root cause of of these happenings."

I was startled by what Aling Armelle said to me. I couldn't refrain from asking what she meant by that so I faced her once more.

"Alam ko na kung bakit nakalimutan ka ni Rainier Sara. Kung nanaisin mo, ipapakita ko sayo ang puno't dulo ng lahat ng ito."

Pumayag ako. Gusto ko ding malaman kung bakit nga ba nangyari ang lahat ng 'to?

"Manood ka mabuti, Spelloriux Eventiarius!"

Yun yung spell na hindi ko maalala! Yun din yung nawawalang spell sa book of spells, ang spell of events!

A scenery is shown right before my eye. Ang eksena na ipinakita ay si Rainier at si Mommy naguusap sila sa isang daanan, madilim at walang katao-tao dito.

"Anong pangalan mo?"

"Frey po." magalang na sagot ni Rainier sa tanong ni Mommy.

"Totoo at buong pangalan." nakakatakot ang itsura ni Mommy. Ganitong-ganito siya kapag galit.

"Rainier Geoffrey Alcantara po." nanginginig ang boses ni Rainier nung sinagot niya si Mommy.

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon