~Sarasienne~
--*Flashback*--
"Alam mo ba crush na crush ka ni Andrea?""Just go away Sara will you?!" His eyes, they're showing that he's really angry.
"I'm mad at you telling me those things, while I already love someone."
Right, Reagan...
***
"Ang ikli ng palda mo."Saka ko lang napansin. Siguro dahil tumangkad ako kaya umikli ang palda ko.
"Heto,"
Hinubad niya ang suot niyang jacket. He wrapped the arms of the jacket around my waist so that it covers more of my legs.
--*End of Flashback*--Tapos na ang graduation namin. Pinagpatuloy ni Frey ang relasyon namin kahit na alam kong nagpapanggap lamang siya.
Pinagmasdan ko ang bote ng Enchanter Potion. Isang beses ko pa ito pwede gamitin ngunit bakit?
Bakit wala pa rin akong ginagawa kahit hindi na lingid sa kaalaman ko na naaalala na nila lahat at lihim silang nagkikita? Bakit hinahayaan ko lang sila? Bakit? Dahil ba kay Fontanilla?Naisip kong pumunta sa kwarto kung saan nakalagay ang mga potions ni Mommy Claudia. I'll give it to Rainier. Wait, what a fool I am. Why need an antidote? They broke it anyway. That's how powerful their love for each other is... At heto ako, nakikihati.
Hindi ko na 'to kailangan, panghahawakan ko ang mga salita ni Fontanilla na babalik niya. Hahayaan ko na rin sila Rainier at Luserina na malayang magmahalan. Lalayuan ko na rin sila dahil wala na dapat kaming ugnayan matapos kong tapusin ang aming pagkakaibigan.
Pumunta ako sa balkonahe. Babasagin ko na sana ang Enchanter Potion pero natanaw ko ang isang lalaking paparating.
Hindi makapaniwala ang mga mata ko sa nakita ko. Tinupad niya ang pangako niya... Bumalik siya para sa akin!
Nilapag ko sa balkonahe ang bote at dali-daling tumakbo papalabas ng bahay upang salubungin siya.
Nung kaharap ko na siya, hindi ako nagdalawang-isip na yakapin siya.
"Lucas... Paano mo ako nahanap?"
"Hindi na mahalaga 'yon, ang mahalaga narito na ako."
***
Umupo kami sa damuhan at nagkwentuhan. Pinipigilan kong maluha habang pinagmamasdan ko si Lucas. Hindi pa rin ako makapaniwalang nasa tabi ko na siya.Napansin kong may suot siyang singsing. Kinuha ko ang kamay niya upang makita pa lalo ito ng malapitan.
"Napakagandang singsing," komento ko.
"Natural lang na maganda ang isang wedding ring."
Napabitiw ako sa kamay niya.
"W-wedding..."Tumayo si Lucas at binigyan ako ng isang titig na tila nanglalait.
"Kasal na ako kay Christelle."
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...