XLVI: I had to

842 73 33
                                    

-Luserina's POV-

Sinaraduhan ako ni Sara ng pinto. Naglakad ako papauwi na umiiyak. Galit na galit sa akin si Sara. Alam kong kahit anong gawin ko 'di niya ako mapapatawad sa nagawa ko. Hindi ko pinansin ang mga mata na nakatinggin sa akin habang ako'y naglalakad na umiiyak.

~Flashback~
"You went over the wall again." I told Rainier who paid me a visit. Lagi niya akong binibisita kapag nagpupunta siya dito sa syudad.
Alam kong naglayas si Rainier pero hindi ko sinasabi ito sa mga magulang niya. Nangako ako sa kanya at hindi ko nais na sirain ang pangakong 'yon. Ayaw kong magalit sa akin si Rainier dahil hindi ko nagawang panghawakan ang ipinangako ko sa kanya.

"Tahimik?" nagtataka kong tanong kay Rainier.

"Oo Tahimik raw ang pangalan niya." natatawang sinabi ni Rainier sa 'kin.

"Alam mo ba kung saan siya nakatira?"

"Hindi."

"Paano na kayo magkikita niyan?"

"Naiwan niya ito kaya sigurado talaga akong magkikita kami muli." Ipinakita niya sa akin ang isang necklace na may dragonfly pendant.

Hindi ko pa nakitang tumawa si Rainier ng gano'n. May ibig sabihin ba 'to? Rainier is the type who never gets so much happy over meeting someone. That's when I realized that he has  feelings for that person whom he just met.

Sa muli naming pagkikita that's the night before his flight to California, I kept on asking Papa to book a flight to Manila. Nirason ko ang pagbabalik ni Rainier mula sa isang taong pagkawala ang dahilan kaya gusto ko siyang makita pero ang totoo, dahil sa nararamdaman ko sa kanya. I was able to convince Papa and so we went to Manila and paid them a visit at hotel he and his family were staying at.

"Luserina alam ko na ang totoong pangalan ni Tahimik."

"Talaga Rainier? Kung ganun ano?" tanong ko sa kanya.

"Sa akin nalang 'yun."

Nanahimik nalang ako dahil 'pag ipinagpatuloy kong tanungin, alam kong masasaktan lang ako. Masakit na ngang malaman na may minamahal siyang iba aalamin ko pa kung sino. Malay ko kakilala ko pala.

"If there's one thing that I regret upon leaving, it's that I didn't tell her. Will fate give me a chance to? What do you think Luserina?"

I tried my best to fake a smile and gave him words of encouragement.

"You will be able to surely one day."

Unrequited love is like holding a rose with a stem full of thorns. As you continue to hold on to the rose the more you get pricked but, because you love the rose so much, you do not care about the pain the thorns are causing anymore. It was hard dealing with the pain but I got used to it because I love Rainier so much.

Nanumbalik dito ang pamilya ni Rainier noong summer sa kadahilanang nagsara na ang kompanya kung saan nagtratrabaho ang Papa ni Rainier. Sa pagbabalik ni Rainier mula California, sinalubong namin ni Papa ang buong pamilya nila. Sabik na sabik akong muling makita siya. Habang naguusap ang mga tatay namin kinuha ni Rainier ang kamay ko at inilayo ako mula sa kinaroroonan nila Papa. Idinala niya ako sa isang sulok na walang katao-tao at nabigla ako nang maglabas siya ng isang singsing. Napakaganda ng design nito. Akala ko ibibigay niya sa akin ito pero nagkamali ako. Para pala 'yon kay Tahimik.

"I'm so in love with her Luserina. Once we meet again I'm already going to tell her my feelings." he proudly said to me. Hearing those words come from him stabbed my heart.

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon