Abala ako sa paghahanda sa kasal namin nang may kumatok sa pinto. Wala naman kaming inaasahang bisita ah? Aking binuksan ito upang alamin kung sino. Hindi ko inasahan ang taong makikita ko.
"Miss Delphine! Ano't narito ka?"
Nagbago bigla ang kasuotan ni Miss Delphine. Marunong siya sa mahika?! Ibig sabihin sorcerer din siya?
"Nais mo bang malaman ang hinaharap ninyo?"
Huh? Isa siyang manghuhula? Bago pa man ako makasagot, nagsalita na siya.
"Tuluyan nang mauubos ang lahi ninyong mga Areismeir."
I became terrified of what she said.
"P-Paano mangyayari 'yon?!"
"Ako ang ninuno ninyong mga Areismeir. Pero hindi kagaya ninyo taglay ko ang lahat ng kapangyarihan ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap."
Papaano naging siya ang ninuno namin? Ang alam ko tatlo ang ninuno namin at puro lalake ang mga ito.
"Nababasa ko ang isipan mo, duda ka. Malamang, dahil ang kwentong puno ng kasinungalingan ay pinagpasahan sa mga henerasyon ng Areismeir. Taliwas sa totoong nangyari noon."
She directed her palm to me.
"Hayaan mong ipakita ko sa'yo ang totoong nangyari."
***
Linikha ko ang mundo ng Arcanethia, ang mga sinaunang salamangkero at ang mga kapangyarihang pwede nilang taglayin. Kasama ko silang namuhay sa mundong nilikha ko.Ngunit lahat ay may katumbas. Tulad nang kabutihan katumbas nito ay kasamaan.
At naging biktima ng kasamaan ang tatlong mga paslit. Naawa ako sa kanila.
"Kukupkupin ko kayo. Magmula ngayon ikaw na si Kirkis, ikaw naman si Veljid at ikaw ay si Euram."
Tinuro ko sa kanila ang mga nalalaman ko sa mahika. Pero nang maging mahusay silang salamangkero nagkaisa sila laban sa akin para makuha ang kapangyarihan ko. Ang kapangyarihan ko ay nakapaloob sa parte ng katawan ko sa utak, mata at puso ko.
"Sigurado ka ba sa gagawin nating 'to?" naninigurong tanong ni Veljid.
"Oo tatlo laban sa isa, hindi niya kakayanin ang pinagsamang kapangyarihan natin."
"Ngunit siya pa rin ang kinikilala nating ina!" protesta ni Kirkis. "Huwag niyo akong idamay sa gulo ninyo." Tumayo si Kirikis at lumabas sa kanilang kubo.
***
Itinuloy pa rin nina Veljid at Euram ang kanilang masamang balak sa akin na walang kamalay-malay dahil may tiwala ako sa kanila.Nadatnan ako ni Kirikis na nag-aagaw buhay. Inasahan kong ipagtatanggol niya ako ngunit nang alukin siya ng dalawa ng bahagi ng kapangyarihan ko, malugod niyang tinanggap ito.
Bago ako nalagutan ng hininga, isinumpa ko sila.
Kirkis, wala ka ngang intensyon na saktan ako. Ginamit mo ang utak mo pero nabalewala ito nang tanggapin mo ang kapangyarihan ko. Para ka na rin nakiisa sa kanila. Ang magbasa ng isipan ng isang nilalang ay napakadaling gawin ngunit hindi mo malalaman kung totoo ba ang nababasa mo. Magiging kumpiyansa ka sa kakayahan mo at ito ang magdudulot ng kasawian mo at ng mga kalahi mo.
Veljid, biniyayaan ka ng mga matang magaling kumilatis ngunit ito ay nabulag ng kasakiman. Kinuha mo ang matang magpapakita sa'yo ng mga magaganap sa hinaharap pero kapalit nito ang mga alaala mo. Alaala sa nakaraan na hindi mo maaalala kailanman. Hindi ka rin makakagamit ng kapangyarihan upang ika'y makaalala. Ganoon din ang mga magmamana ng kapangyarihan mo. Magiging isang siklo ito hanggang sa tuluyang maubos ang lahi mo.
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...