XXVIII: Then comes the unexpected

1K 74 182
                                    

Ilang buwan din ang nakalipas buwan ng Disyembre na at sa ikalabing anim na araw nito ang Christmas Party namin. Siniguro namin na talagang magiging memorable ito dahil tatlong buwan nalang graduation na.

Hinihintay kong matapos ang Christmas Party nila Stefania. Mas nauna kasing natapos yung sa 'min. Kaya lang naman ako sasabay sa kanya dahil nasa kanya ang susi ng bahay. May palock-lock pa kasing nalalaman may barrier naman yung bahay.

Dumiretso ako sa lumang gusali sa tapat ng High School Department. Nasa gusali na 'yon ang classroom nila Stefania. Naupo ako doon sa isang bench na malapit sa building. Doon ko hinintay si Stefania,

Someone sat beside me. I didn't bother to look at the person for I'm too busy staring at my toenails. I'm deciding thoroughly on which color will suit my toenails perfectly because I'm planning to color them this weekend.

Hindi ko inaasahang mahahagilap ng mata ko ang rubber shoes nung katabi ko. Napaisip ako bigla, parang nakita ko na 'to dati. Napatingin ako sa katabi ko. Tama ang hinala ko.

"Sinasabi ko na nga ba, pamilyar yung rubber shoes eh!" sinabi ko sa katabi ko.

Tumawa naman si Rainier sa sinabi ko.

"Kaya pala hindi namamansin eh, inakalang isa akong estranghero."

"Nga pala bakit ka narito Rainier?" I tried to act normal pero sa loob-looban ko nahihiya akong kausapin siya pero para hindi makahalata, kinausap ko na siya.

"Inaantay ko kasi si Rewiz." sagot niya.

"Ang tagal mag-dismiss ng mga kapatid natin ano?"

"Sinabi mo pa." pagsasangayon sa akin ni Rainier.

We laughed but as soon as our laughter ended a moment of silence came between us. It's getting awkward already yet I don't know how to break this silence. Suddenly,

"Kuya Frey tara na!" a boy passing by shouted out loud.

Parang tinamaan ang puso ko nang marinig ko yung Frey. Lumingon ako sa paligid. Sino kaya yung Frey?

Bigla namang sumigaw si Rainier.

"Susunod ako Rewiz!"

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Rainier just responded to the call of that student. Pero ang layo naman ng Frey sa Rainier?

"Rainier your nickname is Frey?" tinanong ko sa kanya.

"Oo. It was derived from my second name Geoffrey,"

I was deeply shocked when Rainier confirmed that his nickname is Frey.

"Mula pagkabata ko, Frey ang tawag ng mga malalapit sa 'kin. Pero ngayon, si Rew nalang ang tumatawag sa akin sa palayaw na 'yon."

Tumayo na si Rainier.

"Paalam Sara, uuwi na kami." paalam ni Rainier sa akin bago sumama sa kanyang kapatid.

It can't be, is he the same Frey I've known before? Is he the Frey whom I first loved?! At kung siya nga si Frey, ibig sabihin ang pangalang 'Frey' ay palayaw niya lamang?!

Hindi, ayokong umasa na siya at yung Frey na kababata ko ay iisa. Mahirap nang maniwala sa maling akala. Gustuhin ko mang isipin na siya nga ngunit malabo. Kakakilala lang namin. Maraming lalake sa mundo na ang nickname din ay Frey.

Three days after...

Lumabas muna ako sandali ng bahay upang tignan kung ano bang nababagay na Christmas Decoration sa labas ng bahay. Darating kasi sa biyernes si Mommy Claudia upang magspend ng holiday kasama namin.

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon