XXXIV: Another Option

861 77 43
                                    

Nagising ako ng napakaagang oras. May narinig kasi akong nagdodoorbell kaya bumaba ako para buksan pero nabuksan na pala ni Mommy Claudia.

May isang babae ang pumasok at binati si Mommy.

"Ikaw pala, maraming salamat sa pagiging isang tapat na client. Anong kailangan mong potion?"

"Isang Enchanter potion."

Iniisip ko kung anong epekto ng potion na 'yun sa iinom. Hindi kasi ako interesado sa potionology kaya naman wala akong kaalam-alam sa mga uri ng potions at sa paggawa ng mga ito.

I thought that by eavesdropping on their conversation I would learn the effect of this potion. I hid behind the stairs and listened carefully to their conversation.

"Bakit ka pala gagamit ng Enchanter potion?"

"Para paibigin ang taong mahal ko. Ano pa bang silbi ng potion na 'to?"

"Hindi yun ang ibig ko sabihin, anong rason mo na paibigin ang taong mahal mo?"

"Dahil mahal ko siya at alam kong kahit anong gawin ko, hinding-hindi siya kailanman magiging akin. Kaya ito lang ang naisip kong paraan."

"Naiintindihan ko, isa kang Fariamier subalit hindi mo alam gumawa kaya ka nandito pero siguro alam mo na kung saan ito patungo hindi ba?"

"Oo. Handa ako sa anumang bagay na pwedeng mangyari."

"O sige, teka lang kukuha lang ako sa itaas."

Naku patay, mapapagalitan ako nito! Ayaw na ayaw ni mommy na pinapanood ang mga transactions niya! Madali akong tumalikod para umakyat pero huli na yata...

"Sarasienne!" Mommy Claudia called unto me.

"Ehm... Mommy good morning ehehe..." sabay diretso sa taas.

"You're not going anywhere Sarasienne stay there." galit niyang sinabi lagot na ako.

"I'm innocent Mommy!" sinabi ko na parang bata.

"Babalikan kita mamaya Sarasienne hindi pa tayo tapos." sabay umakyat sa taas. Okay, I'm in for a very long speech.

Hindi nagtagal, bumaba na si Mommy na may hawak-hawak na vial.

"Heto na salamat sa pagpunta." sabay abot ni Mommy ng vial doon sa babae.

"Salamat po Madame Claudia." paalam nung babae.

Matapos maisara at mailock ni Mommy ang kanyang potion room humarap na siya sa akin.

"Okay lets have a short talk young lady, kapag nalaman kong gumamit ka nito malalagot ka talaga sa akin. Tatadtarin at pupulbusin kita hanggang sa maging abo ka!" pagbabanta ni Mommy sa akin. Nakakatakot si Mommy! Susubukan kong ibahin ang topic.

"Mommy Isn't that potion somewhat similar to a Sealing Potion?"

"Hindi, malaking-malaki ang pinagkaiba ng dalawang ito. Ang pinagkaiba ang Sealing Potion one time use only at ang pagseal away ng nararamdaman ng iinom nito was out of the drinker's own free will samantalang ang Enchanter Potion, nakatuon lamang sa pagpapaibig ng iinom nito automatic na eepekto ito at hindi na kakailanganin pa ng kagustuhan ng iinom nito."
Ah! I get it now! Parang 'yung love potion na nababasa ko sa mga fantasy novels! Ngunit bakit natatakot si Mommy na baka gamitin ko ito? Ibig ba niyang sabihin na hindi lang ang pagpapaibig ang epekto ng potion na 'to?

"Nga pala Mommy bakit hindi ka humingi ng kapalit sa serbisyo mo?"

"Dahil mabigat ang consequences ng paggamit ng potion na ito."

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon