This is it. I finally have it in my hands. All I need to do is make Rainier drink this potion and he'll be mine for sure.
I was staring at the vial thinking of how I could make Rainier drink this potion. However, I was frightened when Stefania suddenly entered my room and asked what am I holding. I pocketed the vial right away.
"Don't you know how to knock?" I shouted at her.
"I'm sorry Sara it's just that Luserina is looking for you." she said to me before leaving my room.
At anong kailangan naman sa akin ni Luserina? Ipapamukha niya ba sa akin na talunan ako? Pwes, nagkamali siya.
A few moments later, bumaba na ako at nadatnan kong naguusap sila Stefania at Luserina sa may pintuan. Mukhang nagkakatuwaan pa sila. Hindi na ako magtataka kung nagkakasundo ang dalawa dahil alam kong nagkakaunawaan ang mga taksil tulad nila.
Nang makababa na ako, Stefania excused herself so that Luserina and I could talk privately.
Magsasalita palang sana si Luserina nang salubungin ko siya ng isang malakas sampal. Napahawak siya sa mukha niya sa lakas ng pagkakasampal ko.
"Sara bakit mo ako sinampal?"
Tinaasan ko siya ng kilay. Nagtaka pa siya kung bakit.
"Tinatanong pa ba 'yan Luserina?"
"Sinubukan ko Sara. Sinubukan kong ipaalala ka sa kanya."
"Ilang beses? Isa? Sa tingin mo sa isang beses na 'yon maalala ni Rainier ako? Ang galing mo din ano? Sinamantala mo ang pagkawala ng alaala ni Rainier sa akin!"
Hindi nakasagot si Luserina sa sinabi ko dahil yun ang totoo. Walang ka-effort-effort niyang pinaalala kay Rainier ang tungkol sa akin dahil alam niyang ako ang karibal niya at kung maaalala ni Rainier ako tuluyan na siyang mawawalan ng pagasang mahalin ni Rainier.
"Maari ka nang umalis, wala nang patutunguhan ang paguusap na 'to, magrarason ka lang." tinalikuran ko si Luserina. "At kung pwede, pakisara nalang yung pinto." sinabi ko kay Luserina at naglakad papalayo.
"Gagawin ko ang lahat, maayos lang ang pagkakaibigan natin." isinigaw niya sa akin.
Napatigil naman ako sa sinabi niyang 'yon. Talaga nga bang gagawin niya ang lahat? Nilingon ko siya.
"Isa lang ang hinihingi kong kapalit, hiwalayan mo si Rainier nang sa ganun, bumalik siya sa akin."
"Hindi isang kagamitan si Rainier na pinapamigay ng ganun-ganun lamang Sara!"
"Hindi mo naman siya ibinibigay Luserina ah? Ibinabalik mo lang siya sa akin, nararapat lang na kunin ko sayo ang una palang ay akin na."
Ano Luserina, kaya mo ba ang hinihingi kong kapalit?
"Napakahirap nitong pagpapasyang gagawin ko."
"Kapag hindi naging wasto ang iyong pagpapasya, tunay na tapos nga ang ating pagkakaibigan."
"I can do anything else you want, except that."
"Nakita mo na Luserina? Sabi mo gagawin mo ang lahat, pero hindi mo kaya! Wala kang paninindigan!" sinabi ko sa kanya bago ko siya sinaraan ng pinto.
Humanda ka Luserina. Hindi mo man hiwalayan siya, sisiguraduhin kong mababawi ko mula sa'yo si Rainier. May taglay ako na wala ka Luserina at yun ang tutulong sa akin sa pagkuha muli ng dapat ay sa akin.
Sa sobrang lakas ng pagkakasara ng pinto, tumakbo papalabas ng kusina si Stefania at nagaalalang tinanong kung anong nangyari sa paguusap naming dalawa ni Luserina.
"Kung ano man ang namagitan sa 'min, hindi mo na kailangan pang malaman." sinabi ko sa kanya saka umakyat sa kwarto ko.
Isinara ko ang pinto at napasandal ako rito. I then spotted a scissor on my desk. I went to get it and as I held the pair of scissor in my hands I reminisced every painful memory those people gave me.
Sapat nang saktan ako ng paulit-ulit ng mga taong inakala kong pinapangalagahan ako para maging rason ng aking paghihimagsik. Mula sa hindi pagsabi sa akin ni Stefania ng katotohanan, sa hindi pag-intindi sa akin ni Milich, sa pagbura ni Mommy Claudia ng alaala ni Rainier, sa pagloloko sa akin ni Fontanilla at sa pagakit ni Luserina sa aking minamahal.
Winawakasan ko na sa araw na 'to ang buhay ng Sarasienne na 'yon. Sapat nang saktan ako ng paulit-ulit ng mga taong inakala kong pinapangalagahan ako para maging rason ng aking paghihimagsik.
Hinawakan ko ang napakahaba kong buhok na ilang taon kong pinahaba at pinutol ito. All things must come to an end only from there you can forge a new beginning.
Patay na ang Sarasienne na kilala ng lahat. Pinatay nilang lahat siya.
~End of Chapter~
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...