Tumupad sa kanilang pangako sina Oscar tuwing may oras sila, kumpleto silang magkakapatid na pumupunta sa bahay para dalawin ako paminsan-minsan naglalaro kami, minsan naman puro kwentuhan. Si Frey, pinahanga ako ng husto inaraw-araw ang pag-punta kaya naman sa kanilang lima, sa kanya ako pinakamalapit. Noong una akala ko simpleng pagkakaibigan lang ito pero minsan noong habulan ang laro namin doon na ako nakaramdam ng kakaiba. Si Frey ang naging kapareha ko. Nang simulan ni Imelda ang laro kinuha ni Frey ang kamay ko at magkahawak kamay kaming tumakbo papalayo kay Eileen na siyang taya noon. Hindi pa naman ako nakakaramdam ng pagod pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Hindi lang yun minsanan, nagpatuloy pa ito.
"Anim naman tayo, kaya by pairs ang laro natin," Oscar instructed.
"Imelda si Eileen ang makakapareha mo. Ikaw naman James sa akin at ikaw Frey kay Sara."
Hindi na ako nabigla nang si Frey ang ipinares sa 'kin ni Oscar. Whenever we are split into pairs he has always been chosen or left as my pair. Nag pompyang sila Oscar, Eileen at Frey para malaman kung sino ang taya. Si Eileen ang naiba kaya sila ang naging taya. Nagsimula nang kumanta sila Eileen at Imelda kaya nagtago na kami. Nagtago kami ni Frey may halamanan.
Habang nagtatago kami ni Frey mula sa mga kalaro namin bigla niya akong tinanong,
"Sara gwapo ba ako?"
Napaurong naman ako sa tinanong ni Frey sa'kin.
"Ha?! Bakit hindi sa sarili mo 'yan tanungin?"
"Hindi ko kasi alam ang sagot sa tanong na 'yan kaya pwede sagutin mo para sa'kin?"
"Ayoko nga!" pag-iwas ko sa tanong niya.
"Hindi na pala kailangan." Inilapit ni Frey ang mukha niya sa akin. "Sinasagot ng namumulang mukha mo ang tanong ko."
Napahawak ako sa pisngi ko. Talaga nga bang namumula ako?
"Huli kayo!" sinigaw ni James. Napasigaw naman ako sa gulat.
"Hindi kayo mahanap-hanap nila Eileen at Imelda kaya tumulong na kami tapos ito madadatnan ko?!"
I immediately disputed that notion and told them we should just continue the game instead of discussing about things that don't make any sense as I stood out of our hiding place.
"Ipagpatuloy niyo nalang ang naudlot niyong paghahalikan at manunuod kami." panunukso ni James. Nagtawanan naman silang lahat tumingin ako kay Frey mukhang tulala siya.
Pakiramdam ko tuluyan akong nawala sarili ko kanina. Hindi ko maintindihan kung anong pumasok sa isip ko na halikan si Frey ang bata-bata ko pa para doon at isa pa ako ang babae lalake dapat ang humalik sa akin 'di ako. Pwede nang i-label 'yon ng Warning: kids don't try this at home or anywhere. Sisiguraduhin kong 'di na 'yon mauulit pa.
"Frey..."
Naudlot ang pag-aasaran sa amin nang biglang may tumawag sa pangalan ni Frey. Nilinggon namin kung sino ito. Isang babae ang bumaba sa isang itim na van ang lumapit sa amin.
"Mama..." naiyak si Frey nang makita ang Mama niya pero agad niyang pinunasan ang mga luha niya. "Kung pipilitin mo akong bumalik sa bahay... Hindi ko gagawin 'yon!"
Pero tila nabigla si Frey nang marinig ang sinabi ng Mama niya.
"Ipinaubaya ko muna sa Tito mo ang kompanya. Pupunta tayo sa California at doon ako magpapagamot."
Iniabot ng Mama ni Frey ang kamay niya kay Frey.
"Let's go home na anak."
"Mama hindi muna ako sasama sa'yo."
Nabigla ako sa isinagot ni Frey.
"Pakiusap hayaan mo muna akong manatili rito hanggang sa araw bago tayo pupunta sa Manila. Hayaan mo akong sulitin ang mga sandali na kapiling ko sila. Kung ikaw noon nahihirapan kang iwanan ang kumpanya ako naman nahihirapang iwanan sila."
Napangiti naman ang Mama ni Frey. Yung ngiti niya nagpapahiwatig na naiintindihan niya ang nais ni Frey.
"O sige ipapasundo kita kay Ate Glacia mo pagkalipas ng sampung araw."
Napatingin ang Mama ni Frey sa amin at binigyan kami ng isang matamis na ngiti.
"Thank you for taking care of my son."Madamdaming niyakap ni Frey ang Mama niya. Pagkatapos sumakay na muli ang Mama niya sa van at umalis na.
Pinunasan muna ni Frey ang mga luha niya saka kami nilinggon ng nakangiti.
"Lubusin natin ang mga natitirang sandali na magkasama!"
~End of Chapter~
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...