Hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari, paano kami napunta dito? Are we a part of a show, movie or something? Hindi ba sinasabi sa akin ni mama na artista na siya? Makikisama nalang ako sa nangyayari. Malay ko ma-discover ako dito.
Nakarating na kami sa isang palasyo. Ang ganda! Parang yung nasa fairy tales! Inakyat nila kami patungo sa isang kwarto na pang prisoner. Ngunit si Sierra inihiwalay sa amin. Siguro may special role siya sa film? I pouted while watching them take her away from us. I felt envious and thought that she was so unfair.
Tinangal nila ang mga nakatakip sa bibig namin. "Huwag na kayong magbalak pang gumamit ng spell protektado na itong selda. Hindi na kayo makakatakas pa." sinabi sa amin ng aming bantay bago kami iniwan.
"Mama ang galing naman! Extra ba tayo sa isang fantasy movie?" I asked her with excitement.
"Hindi Sara, totoo lahat ng ito. Nandito tayo sa mundo na aking pinagmulan. Sa Arcanethia, ang mundo ng mga sorcerers."
Bigla akong nakaramdam ng takot nang marinig ko iyon.
"Patawarin mo ako Sara kung hindi ko agad sinabi."
"Ang alin Mama?"
"Na ako, tayo, ay mga sorcerers."
Sobrang gulo na ng isipan ko sa nalaman ko. Nananaginip lang ba ako?
"Sorcerers? Pero sa fairy tales lang yun Mama hindi ba?"
"Hindi Sara, totoo ito. Tinago ko ito dahil sa pagiging Areismeir-Time Traveler natin. Nag-iingat ako na baka mahuli tayo ng mga sorcerers, at ito na nga, nangyari na ang kinakatakutan ko, nahanap na nila tayo."
Biglang bumuhos ang luha ko dahil sa takot nagkatotoo na ang mga bangungot ko na kami ay idinala sa ibang mundo upang patayin. Niyakap naman ako ni Mama.
"Hindi kita maintindihan Mama!"
"Listen Sara, I will never get to tell you all that you needed to know but I will already tell you what you must know first, ang pamunuhan ng mga sorcerers ay binubuo ng isang council na naglilitis sa lahat ng kasalanan na maaring gawin ng isang sorcerer at may namumuno sa kanila, ang pangalan niya ay Valon."
Nagbuntong hininga muna si mama bago niya itinuloy ang pagkwekwento.
"Matiwasay ang pamumuhay ng lahat ng sorcerers dito sa Arcanethia noon pero nang ipatupad ni Valon ng isang napakalupit na batas na ipinahuhuli ang lahat ng sorcerers na kabilang sa angkan ng Areismeir. Doon na nagkagulo ang lahat. Nagkaisa ang mga sorcerers sa paghuli sa mga Areismeir dahil isang malaking pabuya ang nakataya sa mga makakahuli.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.
"Ang angkan ng Areismeir ay ang pinakamakapangyarihang angkan dito sa buong Arcanethia. Kaya nilang gumamit ng iba't-ibang abilidad na may kinalaman sa nakaraan, kasalukuyan at hinaharap."
Teka, pinakamakapangyarihan?
"Mama, kung ang Areismeir nga ang pinakamakapangyarihan na angkan sa buong Arcanethia, bakit nagawang hulihin at patayin ng mga sorcerers ang mga Areismeir?"
"Lahat tayo may kahinaan Sara, kahit pa ang pinakamakapangyarihang sorcerer may kahinaan din. Pati ang mga Areismeir, halimbawa nalang ang mga Mind Reader, maaring nababasa nila ang iniisip ng isang nilalang pero hindi nila nalalaman kung totoo ba ito o hindi at ito mismo ang naging dahilan ng kanilang pagbagsak. Ang mga Future Seer naman, upang maggamit ang kanilang kakayahan para sumilip sa hinaharap, kailangan nilang magsakripisyo ng kanilang alaala, dahilan upang maging kulang-kulang ang kanilang kaalaman at hindi rin sila nakakagamit ng spell of events. Ito ang mga kahinaan nila. Ang mga Time Traveler hindi ang kanilang abilidad ang nagiging kahinaan nila kundi ang kanilang nararamdaman. Wagas magmahal ang mga Areismeir Time Traveler namana nila ito sa pangatlong anak ng ninuno ng mga Areismeir. Pag-ibig ang naging kahinaan ng mga Areismeir Time Traveler."
"Mama marami pa akong gustong malaman tungkol sa pinagmulan natin, maari ka pa bang magkwento?" pakiusap ko kay Mama.
"Maganda 'yang pinapakita mo Sara, masaya ako at interesado kang malaman ang pinagmulan natin. Sige kwekwentuhan kita."
Ang ancestor nating mga Areismeir bago siya mamatay inihati niya ang kanyang katangi-tanging abilidad sa kanyang tatlong anak. Kaya nagkaroon ng tatlong uri ng Areismeir ito ay ang mga Future Seer, Mind Reader, at Time Traveler.
Ang kapangyarihan ng hinaharap Ang kakayahang sumilip sa mangyayari sa hinaharap ay ibinigay sa panganay niyang anak. Ngunit, may kapalit ang pagsilip sa hinaharap, mawawala ang isang alaala ng siyang gumamit nito at hindi na ito pa babalik pa sa kahit anong paraan. Ang uri ng Areismeir na nagmula sa panganay na anak ay tinawag na Areismeir-Future Seer.
Ang kapangyarihan ng kasalukuyan Ang kakayahang basahin ang isipan ng isang tao ay napunta sa pangalawang anak. Hinahaayan nitong sinumang nangaling sa angkan ng pangalawa niyang anak na basahin ang iniisip ng isang nilalang. Pero, kung maraming isipan masyado ang binasa niya sasakit ang ulo nito at maaring ikamatay niya ito. Ang uri ng Areismeir na nagmula sa pangalawang anak ay tinawag na Areismeir-Mind Reader.
Ang kapangyarihan ng nakaraan Ang pinakamakapangyarihan at pinakakatakot-takot na abilidad ay ang time traveling. Hinahayaan nitong makabalik ang tao kasama ng mga gusto niyang ibalik sa nakaraan ngunit sinasabing ang kabayaran nito ang buhay niya. Ang uri ng Areismeir na nagmula sa panghuling anak ay tinawag na Areismeir-Time Traveler.
"Tayo anak, ay kabilang sa mga Areismeir-Time Traveler. We can go back to the past." hinaplos ni mama ang buhok ko.
Having understood my responsibility as an Areismeir-Time Traveler I promised Mama Sandrine that I will do what it takes to protect this treasure of ours.
"Makinig ka Sara, huwag mong gagamitin ang abilidad natin habang bata ka pa."
"Bakit po?"
"Ito'y hindi pangkaraniwang mahika, maari mo itong ikamatay kung hindi kakayanin ng katawan mo ang paggamit nito."
Natakot ako sa sinabi ni Mama. Ayokong mamatay sa murang edad! Nahalata ni Mama na natakot ako hinigpitan niya ang yakap niya sa akin.
"Nagtago kaming Areismeir dahil nangamba kami sa mga buhay namin."
"Napakalupit naman po nila Mama, pero bakit hindi nila alam na may mga anak ka?" tinanong ko kay Mama.
“Iyon ay dahil tumakas ako at nanirahan sa mundo ng mga mortal.”
"Sino ang aking ama, Mama?"
Sa halip na sagutin ako nagbigkas siya ng isang spell.
"Spelloriux Sleuris!"
*Spelloriux Sleuris: The spell of making someone fall asleep.Nakaramdam ako ng matinding antok bigla. Naisip ko ang mga nangyari. Para akong nasa isang fairytale. No, more like a horror story...
~End Of Chapter~
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...