XLIII: Reunited with a friend

641 71 21
                                    

Idinala ako ni Andriette sa isang maliit na bahay sa gitna ng kagubatan. The structure was very beautiful the walls are made out of marble. The red roof perfectly matches the greyish color of the walls. The windows are made out of stained glass and the door has that sophisticated touch. I started to wonder why would Andriette isolate herself by living in a forest?

Naupo ako sa may dining table maliit lang ito tamang-tama lang para sa dalawang tao. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa, itinanong ko kay Andriette kung bakit siya nagkubli sa kagubatan.

"I'm sorry Ate Sarasienne, Nagsinungaling ako sayo noon." sagot niya.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niyang nakapatong sa mesa.

"Bakit? Anong problema Andriette?"

"You see Ate Sarasienne," she continued. "I am an Areismeir."

I was shocked. Kaya pala siya hinahanap at hinahabol ng mga sorcerers noon.

"Ngayon at alam mo na, naisip mo yung pahanon hinahabol ako ng sorcerers. Pangungunahan na kita sa maiisip mo palang gawin, kung babalakin mo akong isuko sa mga sorcerers gawin mo na."

Teka, parang nababasa niya ang iniisip ko.

"Oo nababasa ko."

"What the? Anong ginamit mong spell! That's-"

"Wala akong ginamit na spell Ate, there is no such spell that could make sorcerers read minds. Kung nanaisin kong basahin ang isipan ng isang tao, mababasa ko ito ng walang kahirap-hirap sapagkat ako'y may dugo ng isang Areismeir-Mind Reader."

Ibang klase. Ang galing. Sana Areismeir-Mind Reader nalang ako. Wala naman akong napagagamitan nitong abilidad kong bumalik sa nakaraan. Wala pa ako sa tamang edad pero kung nasa wastong gulang na ako alam ko na kung anong unang pagagamitan ko ng kapangyarihan ko.

"Alam mo ba kung inamin mo nung una palang sa akin na isa kang Areismeir, sinabi ko na sana sa'yo na isa din akong Areismeir noon."

Nagulat si Andriette sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala.

"Oo Andriette, isang Areismeir-Time Traveler."

Ikwinento ko yung karanasan ko nang madakip kami ng mga sorcerers si Andriette naman ikwinento ang mapait na sinapit ng mga minamahal niya sa buhay sa kamay ng malulupit na sorcerers.

"If we can think of a successful plan to stop this cruelty,"

"There is one way Ate." Andriette replied. "My father once told me even if we are outnumbered, we can defeat every sorcerer here in Arcanethia. All we need is to be complete, one mind reader, future seer and time traveler and we are indestructable." Andriette was confidently smiling while saying this however, while saying the last part Andriette lost her smile.

"The sad truth is, we can never be complete. Almost all of the Areismeirs are gone now. Maybe there isn't even a Future Seer left alive anymore."

"Don't lose hope. Just as I found you, we might also find another Areismeir and who knows? That Areismeir may be a Future Seer."

Naantala ang paguusap namin nang may narinig kaming kumakatok sa pintuan ng kubo. Nabahala ako at baka natunton na kami ng mga sorcerers. Walang takot na tumayo si Andriette sa kinauupuan niya para buksan ang pinto. Mukhang kilala ni Andriette 'yong kumakatok, wala pala akong dapat ikabahala.

Nang buksan ni Andriette ang pinto, isang lalake ang pumasok.

"Nga pala Ate Sarasienne siya si Ereiyus but I call him Rei siya ang best friend ko. Palagi niya akong tinutulungang makatakas at magtago sa mga sorcerers."

"Rei ikaw naman meet Ate Sarasienne, isa din siyang Areismeir. Isang Areismeir-Time Traveler!"

I shook hands with Ereiyus pero habang kinakamayan ko siya pakiramdam ko parang may mali.

"Isa din siyang Areismeir?" tinanong niya kay Andriette. Kakasabi lang ni Andriette eh parang hindi siya makapaniwala.

"Oo what a coincidence no?" sagot naman niya.

Ereiyus then suddenly excused himself. He forgot to buy something so he went out again. Ang weirdo ng lalaking iyon parang may sikretong tinatago na ayaw ipaalam sa 'min.

"Andriette, kanina sinabi mo palagi kang natutunton ng mga sorcerers saan ka man magpunta."

"Hindi ko maintindihan Ate, kahit na gumawa na ng paraan si Rei para hindi ako matunton ng mga sorcerers, hindi parin ako tinatantanan ng mga ito. Nagagawa parin nila akong mahanap. Saan man ako magpunta at magtago."

Hindi kaya si Ereiyus ang dahilan kung bakit palagi siyang natutunton?

"Hindi, malabo 'yang iniisip mo Ate. May tiwala ako kay Rei. Alam kong 'di niya magagawa 'yon."

"Ikaw talaga pasaway! Binasa mo naman ang isipan ko!"

Nagtawanan kami ni Andriette at ipinagpatuloy ang pagkwekwentuhan.

Ilang saglit pa bumalik na rin si Ereiyus.

"Rei asaan na yung pinamili mo?" masayang tinanong ni Andriette

Ereiyus looked down and said "Pasensya na, kayo ang pinamili ko."

Pagkasabi ni Ereiyus nun biglang lumitaw ang mga sorcerers. We were completely surrounded by them.

"Rei anong ibig sabihin nito?!" tinanong ni Andriette kay Ereiyus.

"Minsan kailangan talagang magtaksil sa kaibigan para sa sariling kapakanan."

Sinagot ni Ereiyus sa 'min.

Sinasabi ko na nga ba eh. Kakaiba ang ikinikilos nung Ereiyus na yun. Kanina ko pa nararamdaman na may hindi magandang mangyayari at heto na nga, isinuko niya kami sa mga sorcerers!

Maaring ito yung pinaguusapan nung dalawang sorcerers kanina na magaganap. If I only remembered it earlier, I shouldn't be regretful at this moment. I need to think of a way on how we could escape from the sorcerers.

Teleporting is a bad idea, we cannot teleport without stating where we're going.

What can we do now?

~End Of Chapter~

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon