L: A battle over the truth

288 66 15
                                    

-Luserina's POV-

Magmula noong breakup namin ni Rainier naging usap-usapan na ako at ang panlolokong ginawa sa akin ni Rainier sa buong school. May panliligaw pa raw na nalalaman si Rainier tapos yun pala lolokohin lang.

Si Layla ang nagkalat ng tungkol dito hinayaan ko siyang gawin 'yon. Since break lang rin naman na kami, mas mabuti nang ipaalam na sa lahat nang sa ganun, maitigil na ang usaping ito.

Nagdesisyon akong ipaglaban itong nararamdaman ko kaysa magparaya kaya ito ang nangyari, kusang bumalik si Rainier sa tunay niyang minamahal na dapat lang mangyari.

Dapat masaya ako para sa kanila pero hindi, 'di ko magawa 'yon kahit anong pilit ko.

Si Rainier na kaisa-isa kong minahal sa buong buhay ko ang taong nagakong hindi ako niya ako lolokohin at sasaktan dahil ako lang ang nagiisang minahal niya sa buong buhay niya pero sa simula lang pala ang lahat ng iyon, kabaliktaran lahat ng ginawa niya ang mga salita niya. 

8:30 am na ako pumasok ayaw ko din naman ma-late pero kahit naman hindi ako ma-late paniguradong wala naman itong magiging epekto sa mga makukuha ko sa mga pagsusulit. Pakiramdam ko kasi, kinuha sa akin si Rainier dahil ayaw ko siyang ibalik sa taong talagang nakatadhana sa kanya kaya gumawa mismo ang tadhana ng aksyon tungkol rito.

Alam kong kailangan kong magpatatag sa situwasyon na ito, pero kung nagmumukha lang naman akong tapang-tapangan at katawa-tawa then I rather look weak. Being weak is better than being strong forcibly when the mind and heart cannot.

Nagulat nalang ako at biglang may humila sa akin doon ko na-identify na si Alenia 'yun.

"Huwag ka nang magmatigas sumama ka nalang marami tayong kailangan pagusapan."

sabi niya sa'kin sabay hila sa akin papunta sa music room. Nakita ko si Ximena doon sa may bintana panigurado pati na rin ang iba pang mga miyembro.

Narerecognize mo ba itong singsing? Malapitang ipinakita sa 'kin ito ni Alenia.

Bawat miyembro ng XLR8 may kanya-kanyang singsing na sumisimbolo ng pagiging miyembro ng grupo.

"Oo. Sino sa inyo ang nag-quit?" walang gana kong tinanong sa kanila, hindi ko din naman tinignan kung sino pa ba ang nandoon.

"Walang iba kung hindi si Rainier." sagot ni Milichelo.

"Nasa 'yo na nga pinakawalan mo pa. Masisisi mo ba 'yung makakakuha kung ikaw naman itong kusang nagparaya?"

I remained silent and speechless. My eyes were locked down to the floor as Milichelo kept telling me a lot of his nail like lines that struck my heart.

Hindi nasiyahan si Milichelo sa naging reaksyon ko kaya dinabog niya 'yung mesa para makuha ang atensyon ko.

"Hindi mo ba alam? Si Sara at Rainier na?"

Nang marinig ko 'yon, agad akong napatingin kay Milichelo. Ilang saglit pa, naramdaman kong dumadaloy na ang mga luha ko mula sa aking mga mata.

"Ganun ba? Pasensya na nagbulagan at nagbingihan kasi ako sa mga nangyari."

"Iniiwasan mo kasi at tinatakbuhan ang problema." Milichelo frankly said.

"Bakit? Ano pa ba ang dapat kong problemahin? Tungkol sa relasyon namin ni Rainier ba? Nagbreak na kami hindi ba? Bakit pa kailangang may problemahin ako?!"

"Hindi naman kasi yan ang tinutukoy naming problema. Ang tinutukoy namin ay yung nangyayari. Hindi ba parang ang bilis ng mga pangyayari?"

Oo nga hindi ko napansin iyon palagi kasing wala ako sa sarili magmula ng naging malapit sila Sara at Rainier hanggang sa nag-break kami.

Love Is Greater Than Any SpellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon