Sabik na sabik akong umuwi sa bahay ngayon dahil ilang chapters nalang at matatapos ko na ang librong Miracle Field! Pagkatapos kong mag-shower, agad ko nang itinuloy ang naudlot kong pag-babasa.
Matapos ang ilang oras, I'm there lying in my bed. I still cannot believe the ending of that book that I've just read, kay tagal kong hinintay yung part two nito tapos yun ang magiging ending?!
Sa inis ko gumawa ako ng mabilisang storya sa text. Yung tipong kinilig ka tapos isang nakakabadtrip na ending pala ang wakas. Hinati ko sa tatlong mahabang text messages dahil nagiging multimedia text kapag sobrang haba. I sent the parts to my classmates whose numbers are in my phonebook.
Makaraan ng ilang minuto sabog ang inbox ko! Hindi ko inaasahang maraming magrereact! Bitin raw. Nakakainis yung ending bakit ganun?
Ayan ngayon feel the pain of a story with that kind of an ending!
But on second thought, maraming nagtext ng:
✉ May talent ka pala sa writing?
✉ Wow! Magsend ka pa!
✉ Ang ganda! Kahit ganun ang ending, maganda pa rin!
Parang ang sarap sa pakiramdam na may bumabasa sa gawa mo. Kaya nasipagan akong gumawa ng mga maiikling kwento sa text. At ang palaging feedback? BITIN. Anong gusto nila? Magsulat ako ng nobela sa text? Napakahirap namang gawin 'yon.
Napansin ko tuwing nagsesend ako ng storya, lahat nagreact maliban sa isa. Si Mr. Masungit also known as Lucas Fontanilla. Nakuha ko lang naman ang number niya dahil nasa grupo niya ako sa Biology. Lagi siyang nagrereklamo dahil napupuno raw ang inbox niya.
Nang tanungin ko siya minsan para sa kanyang opinion, remarks or violent reactions regarding the stories I've sent, wala doon ang sinagot niya, wala siyang oras magbasa ng mga text na sa basura din naman ang kahihinatnan. Ang sakit niya magsalita! Ibang klase! Mayabang pa rin kahit natalo ko na siya bilang first honor!
I'm not convinced that he's not reading the stories I've been sending at all. All those whom I've sent my stories read them except for him. I believe he does, maybe he's just too proud or too shy to admit that he does read them.
Then suddenly, an idea popped into my mind.
Sa TLE namin, habang hinihintay ang computers namin na mag-on, isinagawa ko na 'yung naisip ko kanina.
"Lucas nabasa mo yung text?"
"Aling text?"
"Yung ni-request ni Keira." nang sabihin ko 'yon, napaisip siya sandali.
"Ah 'yun," napangiti ako nang marinig yun. Nakita kong ngumiti rin siya pero agad din itong napalitan ng simangot nang makitang may malawak akong ngiti sa mukha.
"May inilagay akong requested by Keira sa pinakaibaba ng part two ng latest story ko so, I therefore conclude na, binabasa mo nga!"
Natandaan ko kasi sa pinakababa ng part two may isinulat akong requested by Keira. I just tried to catch Lucas off his guard by simply asking him about that. At 'yun na nga, nahuli ko siya at ngumiti pa!
Tinawanan ko siya dahil namumula na siya dulot ng pagkadulas ng dila niya.
"Dahil sayo Lucas, I've proven and tested na ang paniniwala kong it's easy to deny something that is hard for you to admit." pang-aasar ko sa kanya.
Sinubukang mag-paliwanag ni Lucas pero hindi ko na pinakinggan. Nagdadahilan pa huling-huli ko na nga.
Nang makauwi ako sa bahay, hindi ko maiwasang ngumiti tuwing naaalala ko yung kanina. Teka lang, bakit nga ba ako natutuwa? Hay makaimpake na nga.
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...