Life goes on and everything happens for a reason. That's what I've learned in such an early age. I had thought about it overnight, I cannot just mourn for my mother for the rest of my life, I finally had come to acceptance over what has happened. I want to fulfill my mother's last request. I want to make her who is watching me from the heavens above proud by being a great sorceress while keeping my true bloodline a secret.
The next day, I approached Miss Claudia and apologized for my behavior last night. I was glad that she wasn't angry for what I did.
After eating lunch, Miss Claudia offered us a tour around her mansion. After the tour, nagpunta kami sa hardin.
"Sisimulan na natin ang inyong ensayo pero syempre hindi natin gagawin rito ng hindi ako lumilikha ng barrier of invisibility."
With the snap of Miss Claudia's fingers a red box surrounded us.
"Huwag kang mag-alala Sara, gaya ng ipinangako ko kay Sandrine ang mga nalalaman ni Sierra ay malalaman mo rin. Ako ang magiging guro ninyo sa paggamit ng spells." Sinabi sa akin ni Miss Claudia bago niya sinimulan ang pagtuturo niya.
"Excited na po akong matuto mula sa'yo." sinabi ko.
"Ituturo ko nalang muna ang mga bagay na dapat niyong malaman. Una sa lahat, ang mga sorcerers, tulad ng mga nababasa niyo sa mga libro at napapanood sa television, may kapangyarihan tayo. Maraming uri ng spells. Pwede kang maglaho, lumipad, magpalit ng anyo, tumakbo ng mabilis." sinabi sa amin ni Miss Claudia habang nagdedemonstrate.
"Ang galing naman!" Sinabi ko habang manghang-mangha kay Miss Claudia.
"Maraming paraan ng paggamit ng spells. Meron sa pamamagitan ng pagusad ng salita o pwede din sa isip. Magagamit natin ang kapangyarihan natin basta't alam natin ang tamang incantation nito. Which I'll teach you later on. For now, bibigyan ko muna kayo ng lecture sa mga dapat niyong tandaan bilang mga sorcerers."
Ilang oras na ang nakalipas, wala kaming ibang ginawa ni Sierra kundi makinig sa lecture sa amin ni Miss Claudia. Ang dami kong natutunang incantations!
"May gusto pa ba kayong tanungin?"
"Sa anong angkan ka po nangaling?" tinanong ni Sierra.
"Nagmula ako sa angkan ng mga Fariamier. Ang pinakamagaling na angkan pagdating sa paglikha ng mga potions. Nakatira ang mga Fariamiers sa lupain na tinatawag na Fariarinth."
Ako naman ang sumunod na nagtanong.
"Miss Claudia," I shyly called to her. Sobrang nahihiya na ako sa kanya matapos ang inasal ko sa kanya kahapon.
"Are you well-known in Arcanethia too?"
"Oo Sara, ako ang Potion Sorceress. Ang pinakamataas na antas na pwedeng makamit ng isang babaeng sorcerer. Tungkulin kong lumikha ng mga potions na nagpapagaling, nagpapalakas at nagpapaibig. Kahit na gumagawa ang mga sorcerers nila ng potion hindi nila ito maaring ibenta o ipamigay dahil malulusaw ito. Ako lamang ang binigyan ng autoridad para sa gawaing ito at ako rin ang nagsasagawa ng ritual sa mga importanteng seremonya."
"Magkapareho kayo ng antas ni Valon?" Tanong ni Sierra.
"Pumapangalawa ako sa kanya pinamumunuan ko lang ang mga seremonya at ang mga potions samantalang si Valon ang pinuno ng Arcanethia na siyang lumilikha ng batas na susundin ng mga nasasakupan niya."
Kaya pala, nang tawagin niya si Valon hindi niya tinawag na pinuno dahil nagkakalapit lang sila ng antas.
Just then Miss Claudia's expression changed as if she remembered something.
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantezieBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...