~Sarasienne~
"What are you doing, Sara?!" tanong ng pakialamerang kapatid ko."Making myself a wedding gown, why?" I said without energy.
"Itatali mo ang sarili mo sa lalaking pinilit mo lang mahalin ka?"
Itinigil ko ang paggawa ng gown at hinarap ang pakialamerang kapatid ko. I've been careless, she must've seen what I did yesterday.
"Hindi ako tanga para isipin na nang pinainom ko si Rainier ng Enchanter Potion mahal niya na ulit ako. Alam ko sa sarili kong wala nang ibang paraang pwede ko pang gawin para mahalin muli ni Rainier kaya ko siya ginamitan ng Enchanter Potion para kahit sapilitan at hindi tunay, may iisang nagmamahal pa rin sa akin."
"Hindi tama iyon, Sara!"
"Kung ikaw ang malalagay sa ganitong situwasyon, hahayaan mo ba siyang mapunta sa iba lalo na't nagmamahalan kayo?"
"Oo!"
I was taken a back by her answer.
"Dahil minsan na akong nilapitan ng tukso. May isang babaeng nagngangalang Cornelia ang nag-alok sa akin na tahakin ang landas na tinahak mo para mabawi ko si Angelio mula kay Ximena!"
Hinawakan niya ako magkabilang balikat.
"Bakit mo pa kailangan gamitan ang isang tao para makuha ang pagmamahal niya kung mayroon namang tao na sa umipisa palang ang pagmamahal niya ay sa'yo na?!"
I shrugged her off. Why would I believe someone like her that lied to me?!
"Anong pinagsasabi mo Stefania?! Your talking nonsense again!"
"Si Lucas, Sara! Konting-konti nalang! Kung nagantay ka lang sana. Magbabalik na si Lucas."
"Bakit? Dito gaganapin ang kanilang kasal? Teka, kinasal na nga pala siya."
"He loves you! He never stopped! He always did! And you? You've been lying to yourself all the time!"
"Nagkita kami ni Fontanilla. Ilang ulit siyang humingi ng tawad sa akin."
"See? At least Lucas acknowledged that he was wrong! Because a lot of people never acknowledged that they were the ones at fault."
"Ang galing mong mamuna ng pangkakamali ikaw naman pala itong nagkamali! May nalalaman ka pala! Bakit hindi mo sinabi noong mga panahong patay na patay ako kay Fontanilla?"
"Nakalimutan mo na ba ang tinanong mo sa akin noon? Nakalimutan mo na ba ang rason kung bakit tinatawag mo ako sa pangalang Stefania?"
Natauhan ako sa sinabi niya. Oo nga pala, nakalimutan kong hindi ko pala siya tunay na kapatid dahil isa siyang Areismeir-Future Seer.
"At ano naman ang kinalaman ng pagiging Future Seer mo rito?""Kaya ko hindi nasabi kasi nabura ang alaala ko. Ito ang kabayaran ng pagsilip ko sa hinaharap."
Nilabas niya mula sa bag niya ang isang kulay berde na notebook.
"Bago ko binura ang alaala ko tungkol sa gabing 'yon, isinulat ko ang mga pangyayari sa notebook na ito. Heto,"
Inabot niya sa akin ang notebook. Ito 'yung notebook na pinulot ko noon. Pero sa halip na basahin ang nilalaman nito, winasak ko ito gamit ang kapangyarihan ko.
"Sa tingin mo maniniwala ako diyan? Heto ang panoorin mo, Stefania dahil ito ang totoo! Spelloriux Eventiarius!"
Ipinakita nito ang naganap sa pagkikita namin ni Fontanilla.
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...