Ilang oras ko ding tinapos ang charm bracelet na ireregalo ko kay Mama at nang matapos ko ito I felt proud. My hard work has paid off and all I need to do is give it to Mama. Ngunit naalala ko, baka may iniregalo si Sisera sa kanya na mas maganda pa sa ginawa ko.
Pinuntahan ko si Sisera sa kwarto niya at tinanong kung ano ang regalo niya. Laking tuwa ko nang malaman na wala siyang nagawa.
"Magsama nalang ulit tayo sa regalong ibibigay natin Sara!"
Baka nga hindi magustuhan ni Mama itong bracelet hindi naman kasi ito kagandahan kung ikukumpara sa mga regalong ibinigay ni Sisera sa mga kaarawan ni Mama noon. Doon nalang ako sa sigurado kaya pumayag ako sa alok niya. Nag-isip na kami ng pwedeng iregalo kay Mama.
"Bakit hindi natin ulit siya regaluhan nung lilies mula sa Field of Verlasse tulad noong Mother's Day?" Suhestiyon ko 'yun lang naman ang alam kong siguradong magpapasaya kay Mama.
"Magandang ideya 'yan, Sara!"
"Yun nga lang baka ma-disappoint si Mama dahil yun ulit ang regalo natin," Agad kong pagbabawi sa suhestiyon ko.
"Nakita mo naman siguro kung gaano kasaya si Mama noong bigyan natin siya noon. Naniniwala akong mapapasaya rin nito siya ngayon." With that, I set aside giving the bracelet I made to my mother.
Nagkasundo kami ni Sisera na pumunta sa Field of Verlasse upang kumuha ng lilies.
Si Sisera muli ang nagpitas ako naman nilibot ulit 'yung field. Bigla kong naalala 'yung lalakeng kumausap sa akin noon. Ano na kasi ang pangalan niya?
Oo nga pala Frey. Ano ba 'to! Bakit ko pa pinahahalagaan 'yung pangalan niya at 'yung pangyayaring 'yon?! Hindi siya isang importateng tao para bigyan ko ng importansya.Nang matapos kami agad kaming umuwi. Palubog na kasi ang araw kaya kailangan makauwi kami kaagad. Habang naglalakbay, natuon ang atensyon ko sa sunset. Napakaganda ng kulay ng kaulapan. Nang ibalik ko ang atensyon ko sa kapatid ko. Nabigla ako dahil wala na siya. Mali yata ako ng tinahak na landas. Hindi pa ako lumalayo sa bayan kaya hindi ako pamilyar sa mga daanan.
***
Nasaan na kaya ako? Ang dilim na ng paligid natakot ako sa panganib na maari kong kaharapin. Walang mga bituin at ang buwan hindi nagpapakita tunay na nakakapagtaka. Nabigla nalang ako at napaligiran na ako ng mga halaman. Ang tangkad naman ng mga halamang ito. Sinubukan kong pakiramdaman ang halaman para malaman kung anong halaman ito. Napagtanto ko na mais 'yung halaman dahil sa bungga nito ibig sabihin, nasa maisan ako.
Nagdirediretso lang ako paniguradong makakalabas din ako sa maisan hanggang sa may nabungo ako siguradong-sigurado akong tao yung nabungo ko. Kinabahan ako ng husto. Hindi ko alam ang gagawin ko kung masamang tao ito!"Huwag niyo po akong saktan!"
"Ha? Bakit naman kita sasaktan?"
Kinabahan ako lalo sapagkat boses lalake 'yung nagsalita."May nanghahabol ba sa'yo kaya ka natatakot?"
"Hindi nawawala kasi ako. Ilang taon ka ka na?!" Natatakot kong tanong baka samantalahin niya ang situwasyon ko.
"Eight years old!"
"Kung eight years old ka anong grade mo na?"
"Grade three." Agad niyang sinagot. "Aba naninigurado ka talaga ah?"
"Syempre! Hindi kita makita ng mabuti kaya mahirap na kung mapahamak ako. May pamilya akong naghihintay sa akin. Kailangan makabalik ako sa kanila."
"Kung sabagay,"
"Kasing edad pala kita. Doon ka rin sa bayan nakatira?" Nagbakasakali akong kaklase ko siya.
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...