Three years after...
Abala ako sa pag-ayos ng aking mga gamit. Babalik na kasi kami sa aming dating tirahan. Sapat na ang pitong taon na pamamalagi namin dito para makasiguro kaming ligtas na kaming titira ulit sa bahay na 'yon.
Isa pang rason ng pagbalik namin sa dati naming tinitirahan ay,
~Flashback~
Nagpunta na ako sa school para mag-enroll sa fourth year ko sa Reaverna college. Excited ako dahil isang year nalang graduate na ako! Nagpunta na ako sa regristration booth. Kukuha na sana ako ng enrollment form nang biglang may nagsalita sa tabi ko.
"Well if it isn't Sarasienne, kumusta na?"
Liningon ko naman yung taong yun. Nakakapagtaka, hindi ko siya kilala pero siya kilala niya ako.
"Excuse me Miss? Sino ka? Bakit mo ako kilala?"
"Capital O-M-G, ganyan ka na ba kabilis makalimot Sarasienne?" itinuro niya ang mukha niya. "Sa ganda kong 'to hindi mo ako nakilala? What kind of alien you are?!"
That expression, pamilyar sa akin 'yon.
"Reagan it's you isn't it?"
"The one and only." she said while laughing.
"What are you doing here?"
"I came to visit the Philippines, I am feeling kinda homesick after staying in New York for almost eight years. Wait, shouldn't I be asking you that? What are you doing in our school?"
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Our?"
"You didn't know? This college is owned by my grandmother and it's even named after me."
Tumawa si Reagan nang sabihin niya 'yon pero agad itong natigil nang mag-salita ako.
"Kaya naman pala ang pangit. Pinangalanan pala sa'yo."
Matapos kong sabihin 'yon, agad akong naglakad papalayo. Great job I did back there.
"Sarasienne wait!" Reagan called unto me but I didn't bother. She'll probably ask if I am spying for my school or tell that trespassers like me aren't allowed here.
Hindi na ako nagenroll. Hindi na ako nanatili pa doon para lang antayin na umalis si Reagan, agad na akong umuwi.
Nang makauwi ako nandoon si Mommy Claudia sabik na sabik na pirmahan yung enrollment form, excited na daw siyang magg-raduate na ako. Hindi na ako nagpaligoy pa, agad kong ikwinento yung nangyari kanina.
"Mommy, paniguradong hindi ako makakagraduate! Si Reagan Laverna ang may ari ng eskwelahan na pinapasukan ko! Kumbaga sa isang laro, siya ang nagkokontrol nito." I told Mommy Claudia.
"I know as soon as Reagan finds out that I'm studying in their school she's going to do everything just to make my life miserable. This is my last year in college, hindi pwedeng ngayon pa ako papalpak. Masasayang lahat ng pinaghirapan ko!"
"O sige-sige. Lilipat muli kayo sa katabing city. Babalik na kayo sa dati ninyong tirahan at, tatapusin niyo na ang pag-aaral niyo sa Heartgold University okay na ba yun?"
"Mommy mabuti naman at sa Heartgold niyo kami pag-aaralin muli?"
"Dahil 'yun kay Shagane."
"Ang principal ng elementary at high school? What's so special about her Mommy?"
"Lingid sa kaalaman ng karamihan, Shagane ay ang kanang kamay ni Valon. Kaya siya nagtratrabaho sa Heartgold University ay upang magmasid sa mga estudyanteng nag-aaral doon. Nagbabakasakaling may Areismeir siyang matatagpuan doon. Karamihan sa mga sorcerers na naninirahan dito sa mundong ito, pinag-aaral ang kanilang anak sa Heartgold University."
BINABASA MO ANG
Love Is Greater Than Any Spell
FantasyBakit nga ba nagiging masama ang isang tao? Hindi dahil likas na siyang masama kundi dahil sa mga pangyayaring naging dahilan para maging masama siya. May mga pangyayari sa buhay natin na hindi natin lubos maunawaan at parating hinahanapan ng kasagu...