Title: Nasaan Ka Liwanag
Sadlak at lugmok, ang buhay ko'y tapos na
Sa kadiliman ako'y naiwang nag-iisa
Pag desisyo'y di napag-isipang tapat
Ngayon buhay ay tamasa, kahirapan at salatAng aking pangarap na noo'y nais matupad
Ngayo'y hanging sa isipa'y lumipad
Nasaan ako at bakit buhay ko'y sawi?
Paano aabante, paano muling mababawi?Sa paglingon ko'y walang ni isang malingunan
Ang dating paligid ko'y puno ng kaibigan
Isa isa'y umaalis at ako ay iniiwan
Saan ako nagkamali? Saan ako nagkulang?Hanggang kailan ako'y mananatiling sawi
Hindi ganito ang buhay ko, gustong ibalik ang dati
Buhay na sagana, problema'y wala
Ngayo'y binabalot ng kakaibang pagkadismayaNasaan ka liwanag, ilawan aking daan
Di ako makakilos kung ika'y mapaparam
Liwanagin ang utak, isip at kalooban
Kinabukasan ko, ako'y muling pagbigyan.😥😥😥
Copyright 2015
@haydenagenda
#buhay #
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...