Poem - #5

1.3K 9 3
                                    

Title: Sa Pagdating ng Bagong Umaga

Sa pagdaloy ng luha ay saka naramdaman
Ang sakit at pait ng iyong pag-iwan
Sa pagpikit ng aking mga mata
Tanging nakikita ko ay ang mga alala
     nung tayo pang dalawa

Anong nangyari at ako'y iyong nilisan
No sa puso di ko dama pati sa isipan
Pagkukulang? Pagkukunwari? Pakikipaglaro?
Sa ating dalawa, mas may kasalanan ba ako
    O di mo lang alam kung napano?

Akala ko masarap ang mga salitang namutawi
Sa bibig mo, na dati ay tanging mithi
Mahal mo ako, pero gaano katotoo?
Mahal mo nga ba ako o minahal mo lang pang gago?
    Alin ang iisipin ko?

Ano pa ba ang kaya kon gawin
Kundi ang utos at kagustuhan mo'y sundin
Siguro nga nabigla ka lang sa lahat
Kaya pala mahirap ang relasyon nating ipagkalat
     Dahil pag ibig mo sa akin ay di sapat

Sa pagdating ng umaga, babangon at haharap
Di alintanang mangyayari ni sa hinagap
Ang paglayo mo ay maraming katanungan
Isang pag-ibig na iyong winasak at tinuldukan
     Ngunit sisiguraduhin kong di na madugtungan.

by: @haydenagenda

Dedication:
Bitter pa din ako hanggang ngayon. Di ko kasi alam kung bakit biglang ganito. Pag gising ko, wala na kami.

For #Cece

*****@haydenagenda

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon