Title: Kumpara Sa'yo
Paano ba kita i-describe?
Kasi, hindi ko alam.
Ano ang iisipin?
Paano ko sisimulan.Sisimulan kong i-compare kita
Kasing ganda ng mga tala
Ngunit pagsapit ng umaga
Kagandaha'y nawawalaKatulad mo ang mga bulaklak
Mabango, mahalimuyak
Paglanta mo, di ka na pansing tiyak
Mas gugustuhin ko pang mag-alakKasing liwanag ka ng araw
Ang dating mo'y nakakasilaw
Sa pag ulan, di ka natatanaw
Sa katuwaan, ako'y napapahiyawTulad mo ay isang awitin
Masarap pakinggan, masarap dinggin
Pag nilimot na't di na pansin
Sa Videoke ka na lang kakarerinTila ibon na malaya
Paglipad mo'y kahali-halina
Nang pakpak ay nabaling bigla
Hanggang langit abot ng aking tawaSing tamis ka ng bawat alaala
Sing sarap ng abot ng aking memorya
Pero kumpara sa'yo, ako ay masaya na
Kaya ang kaligayan ko ipapadaan ko na lang sa tulaby: @haydenagenda
Sep 8, 2014Note:
Revenge in the sweetest way possible; writing humorous poem for the lost lover.
*****@haydenagenda
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...