Poem - #34

267 2 2
                                    

Title: Sikreto Lang

Pinangunahan ako ng takot na iyong malaman
Nagmamahal ako ngunit tago lamang
Pagkat ang buhay ko'y di alam ng iba
Na katulad mo'y itinago sa madla

Unang nasulyapan taglay mong dating
Sa aki'y nagpapalingon, napapatingin
Pag-uusap ng mga mata'y di mo lang pansin
Sa isipan ko'y akin na ka, inaangkin

Patago kung dinama ang pag-ibig ko
Takot akong makasakit o masaktan ng todo
Pagkat tulad mo'y hindi bastang paglaanan
Ng buong oras dahil ikaw ay may pangalan

Sino nga ba ako na kaya mong tanggapin?
Pag nalaman ang sikreto'y baka di pansinin
Kaya sa puso ko'y itago ko na lang
Ang sikreto kong ito baka saktan mo lang.

***
©copyright
@haydenagenda

"©Pag nagmahal ka, hindi sa lahat ng pagkakataon ay tamang sabihin mo ang nararamdaman sa isang tao. Lahat ng bagay napag-aaralan. Dumaan ka sa tamang proseso baka masaktan ka lang."©

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon