Title: Pabili ng Pag-ibig
Ako ay uhaw
Sa pagmamahal, pagmamalasakit
Puso ko'y tunaw
Pag-ibig di lumalapit
Kaya ako'y bibili ng pag-ibig.Pabili ng pag-ibig
Yung di ko masukat hanggang kailan
O kahit panandalian
Basta may pag-ibig
Na sa aki'y dadaanPabili ng pag-ibig
Kahit limang piso lang
Masakit man pag naiwan
Basta pag-ibig natikman
Hangad ko lang at asamPabili ng pag-ibig
Yung meron kundisyon
Okay lang
Masapawan lang ng kasiyahan
Puso kong tigangNabibili nga ba ang pag-ibig?
Nakapaghihintay,oo!
Sapantaha ko lang
Ay pinagdadamutan ako
Kaya bibili ako ng pag-ibig@haydengenda
©april2105
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...