Title: Pangakong Ikaw Lang
Di ko nais maghanap ng iba
Pagkat sa puso ko'y mayroong isang tala
Dakilang pag-ibig ang alay ko hirang
Higit sa buhay ko, pangako ikaw lang
Magagandang bulaklak, sa aki'y nakapalibot
Nag-uunahang, pitasin ang talutot
Di pa man naisilang ang sa aki'y kakalaban
Ikaw at tanging ikaw lang, pangakong walang hanggan
Dumaan man ang unos, bagyo at tag-ulan
Ako'y naririto, handa kang daramayan
Pagkat ang kalungkutang sa iyo'y bumabalot
Ay kalungkutandin ng puso kong bagot
Sa paglubog ng araw, ikaw ay nakikita
Ang mga nagdaan ay ginugunita
At sa muling pagsikat, asahan mo hirang
Dito sa puso ko, pangako ikaw lamang.
**
written 2003
©copyright2015
@haydenagenda
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...
