Title: Sa Panahong Iyon
Sa panahong iyon
Kung kailan magtatagpo ang ilog at dagat
Magkasabay sa pag-agos ng buhay
Sa hirap, sa pagkakaroon, salat
Magsasamang tuklasin ang taglay nitong kulaySa panahong iyon
Kung kailan sisikat ng araw
Sa kanluran ito'y magpapaligaya
Ng pusong sa pag-ibig ay uhaw
At buhay na walang humpay ang sayaSa panahong iyon
Kung kailan ang gabi ay parang umaga
May kislap ang bawat paningin
Ng dalawang pusong magkasama
At sabay sa Panginoo'y dadalanginSa panahong iyon
Kung kailan sabay sa pagtatanmpisaw
Sa ilalim ng ulan
Dalawang taong tila uhaw
Sa minsan ng paglalayoSa panahong iyon
Kung kailan ang awit ay dinig
Ang tibok ng pusong tigagal
At pusong puno ng himig
Ngunit di ito sagabalSa panahong iyon
Na aking hinihintay
Na muli kita'y makasama
Muli sa puso natin mananalaytay
Pag-ibig na wagas sa ating dalawa***
This was written around February 14, 2003 8:45PM for Cristy De Villa. Di ko na na send sa kanya. She is now happily married with kids too.©copyright2015
@haydenagenda
BINABASA MO ANG
Poem
PoetrySometimes we feel like writing down what we feel. I compiled it in this piece. Poems, Haikus (my own format 7-5-7), Sonnets, Thoughts and some Literaries. Most of the time, we feel relieved once we expressed what we feel and this is how I do it. My...