Poem - #38

233 2 0
                                    

Title: Sa Lupang Kinalakhan

Sa aking paglalakbay pabalik sa pinagmulan
Unti unti akong niyakap ng matinding kasabikan
Sa paglipas ng mga taon lalo kong inaasam-asam
Ang mga paa'y muling makatuntong sa lupang kinalakhan

Binalot ng saya at walang pagsisidlang ligaya
Sa himpapawid pa lang, isip ko'y naglalakbay na
Ang kahapong nagdaan na puno ng alaala
Tila ba nagbalik nung ako'y bata pa

Muli kong nalanghap ang sariwang hangin
Sa kabilang mundo'y di ko kayang langhapin
Ang buhay sa probinsiya kung aking tutuusin
Mas gusto kong balikan, isipin at damhin

Ngunit ang kinalakhan ko'y dinatnan ng bangungot
Sa sulsol ng demonyo'y binigyan ng poot
Ang mga kalaro'y nabubuhay ng liko
Ang kinalakhang lupa ay binalot ng delubyo

Mga pagbabago, marami't kapansin-pansin
Ang lansangang minsa'y kami'y laman at angkin
Masayang halakhakan sa laro't habulan
Napalitan ng malungkot at puno ng kalungkutan

Kung dati di namin ramdam ng pagod
Tila kahirapan ngayon sa mga kababaya'y humahagod
Ang dating pangarap sa pook naming mahal
Ngayon ay naparam naging abo, sagabal!

Ang mga kalarong dati di alintana
Ang pawis sa likod, ninanamnam bilang bata
Ngayo'y alipin na ng walang kasiguruhan
Ang buhay napariwara, hawak ni kamatayan

Kung dati ang lugar na kinalakhan ko
Isang ehemplo ng mga masasayang tao
Ngayo'y nawala, nawaglit, nabago
Ito ng nadatnan sa lupang kinalakhan ko

Masakit isipin na sa paglipas ng panahon
Nanakaw ng alaala, pilit na lang ibabaon
Sapagkat pagbabago'y maaring makamtan man
Hindi na maibabalik ng kakaibang kaligayahan.. Noon.. Sa lupang kinalakhan



©copyright
may282015
@haydenagenda
#bxu #butuancity #butuan #brgy17 #purok4

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon