Poem - #60

202 0 0
                                    

Title: Paano Kita Minahal

Naalala mo pa ba?
Unang katanungan mo sa akin?
Mga salitang binigkas ng labi mo?
Noong naging tayo?

Ano ka sa buhay ko?

Ikaw ang ilaw na tanglaw ng
Kadilimang yumayakap sa
Buhay ko at nagbigay saya
Sa bawat oras na kita'y
Nakikita
Kasama
Nais ko'y wag ng huminto pa
Ang oras babagal, titila

Ikaw ang tala sa gabing
Binabalot ako ng kalungkutan
Sapagkat sa bawat sandaling lumilipas
Nasasayang ang mga alaalang
Maaari nating gawin at simulan
Pagkat sa gabi, titingala at
Iniisip ang ngiti mong namumutawi
Sa bawat nagningning na tala!

Ikaw ang bulaklak sa mga
Harding nagpapatunay na
Kagandahan mo'y likas
Sa bawat paru-parong tumitigil
Ligaya'y iyong taglay at
Ipinamalas
Pagkat aa halimuyak mo'y
Nahahalina ang bawat
Umiibig at napapaibig mo

Ikaw ang ngiti sa aking labi
Dala'y katiwasayan ng isip
Kasiyahan
Kagalakan
Kaibig-ibig
At sa tuwing naaalala kita
Hindi ko na kailangang sabihin
Sa'yo
Pagkat iniisip kita lagi na

Ikaw ang mahigpit na yakap
Na nagpaparamdam ng galak
Sa bawat pighati
Sa bawat sakit
Sa bawat kasawian
Ang yakap mo'y kandungan
Ng puso kong
Binabagabag ng kahungkagan
Kung minsan
Yakapin mo akong mahigpit

Ikaw ang payong ko sa
Tuwing mundo ay
Umiiyak
Nilulunod ang bawat
Malungkot na puso
Umaagapay
Dumadamay
Para ako'y
Huwag makalimot
Sa bawat pagsukob ko sa'yo
Ikaw ang payong ko

Ikaw ang kabaliktaran ko
Ikaw ang ibang ako
Ikaw ang ako
Ikaw at ako

Mahal, ganyan ko pinapahalagahan
Ang kung ano ja
At sino ka
Sa buhay ko
Nawa'y maramdaman mo
Ikaw lang
Ikaw
Wala ng iba pang mamahalin

At kung paani kita minahal?

Minahal kita sa abot ng aking
Makakaya
Mula sa umaga
At sa pagtulog mo sa gabi
Nandito ka
Sa isip
Sa puso
Walang rason bakit
Pagkat ang pagmamahal
Walang paano
Walang bakit
Walang ano
Ang pag-ibig
Walang konkretong dahilan
Walang kundisyon

Ganyan kita kamahal
Taos
Walang paliwanag
Pagkat sapat na ang makita mong
Ikaw lang sa puso ko

Pero ikaw din ang lumayo.

©Copyright
Aug 2015
@haydenagenda

PoemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon